Nakakalungkot lang para kay Mygz bilang isa sa mga taong nagdadalamhati sa pagpanaw ni Mahal, dahil sa araw ng kanyang libing ay hindi siya nakapunta sa huling hantungan nito.

Kinakailangan kasing sumailalim sa  pag-quarantine si Mygz Molino dahil isa siya sa mga naging close contacts ni Mahal. Matatandaan, nag positibo sa COVID-19 si Noemi Tesorero aka Mahal.

Gayunpaman, kahit na hindi nakapunta si Mygz, maraming mga netizen ang naantig ang kanilang mga puso matapos lumabas ang video sa libing ng pumanaw na komedyana.

Isa nga sa kumalat na video na kuha doon ay isang mensahe para kay Mahal na umantig maging sa nga netizens. 

Hindi nila napigilang maging malungkot maging para kay Mygz na ayon sa ilang mga supporters niya ay sobrang apektado sa nangyari kay Mahal.

Maging ang mga netizens ay naantig sa mensahe ng babae na emosyonal. Isa din sa kanilang kinaantigan ay ang emosyonal na mensahe ni Mygz para kay Mahal.

Maging ang mga netizen na nakapanood ng video ay labis na namangha at naantig ang mga puso nila matapos makita ang video ng isang babae na binasa ang mensahe ni Mygz para kay Mahal. 


Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen sa napanood na video tungkol sa pinabasang mensahe ni Mygz kay Mahal:

"Ang sakit palang pakinggan ang mensahe ni bunso mygz damang dama ko kong gaano kahirap ang pinagdaanan mo ngayon na wala na c mahal...nakakaiyak subra...pinapanood ko paulit ulit ang video niyo..nakawawala ng problema ang mga video niyo..hindi mapigilan na maiiyak ka talaga sa nangyari…"

"Ang sakit isipan na kung sino pa ang nagpapasaya sa amin araw 2x pag napapanood namin ang mga vlog niyo ganito pa ang nangyari...you inspired everyone na wala sa liit o anyo ng buhay ang pagmamahal ni mygz sayo mahal...damang dama namin na totoong totoo ang pagmamahal ni bunso…"

"I feel the pain that mygz is going through,tagos sa puso,tagos sa buto.sana maka move on kaagad sya."

Ang rumored boyfriend ni Mahal na  si Mygz Molino ay patuloy pa rin na pinagbibintangan ng mga netizen sa pagkamatay ng nasabing komedyante. 


Ayon kasi sa ilang reports, ilang kamag-anak umano ni Mahal ay may sama ng loob sa Indie actor at modelo na si Mygz Molino.

Dahil ayon sa kanilang mga posts, hindi raw niya inalagaan nang maayos si Mahal. Dapat ay ipinagpaliban muna nila ang kanilang YouTube content at inuna muna ang kalagayan ni Mahal.

Source: KAMI