Maraming mga netizen ang naantig ang kanilang mga puso matapos ibinahagi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kanyang kwento tungkol sa experience niya sa kanyang amo.

Ayon sa OFW na si Cristy Gaudiano, labis na nakakamangha ang kabaitan ng kanyang amo sa kanya. Itinuturing na umano siyang parte ng pamilya ng kanyang amo.

Kwento ni Cristy, pagdating pa lang niya sa Taiwan ay de aircon umano ang kanyang kwarto at bukod pa dito, may sarili pa siyang kusina.

Dagdag pa ni Cristy, mula nang dumating siya sa Taiwan para magtrabaho, labis na kabaitan na daw ang ipinakita sa kanya ng kanyang amo.

Kasabay din siya ng amo na kumain sa hapag at hindi na talaga iba ang turing sa kanya. Ipinamimili siya nito ng mga gamit, damit at maging 24K na alahas.

Sa tuwing mag go-grocery daw sila ng kanyang amo, minsan nga raw ay mas marami pa ang binibili para kay Cristy.

Madalas, kapag sila ay lumalabas, si Cristy pa umano ang namimili kung saan sila kakain, at kahit pa "eat-all-you-can ang mapili ni Cristy, wala raw umanong problema ang kanyang amo. 

Nang nagkasakit ang kanyang amo, mas iniisip pa rin ang kalagayan ni Cristy, kung nakakain ba ito ng sakto kaysa sa kanyang sariling kalagayan.


Kaya naman masasabi ni Cristy na napakaswerte niya sa kanyang naging amo na 'grandma' na ang turing din niya.

 "Thank you for all the memories that we have together. I love you and You always stay in my heart. Thank you of Being such a 100% VERY GOOD LADY BOSS and a grandmother to me. For me you are the best boss i know," mensahe ni Cristy para sa kanyang amo. 

Marami sa ating mga kababayan ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para maitaguyod ang pamilya at ang pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Ngunit, dahil sa pandemya, ilang mga OFWs ang umuwi dito sa Pilipinas na hindi na nakabalik dahil sa mga striktong patakaran na ipinatupad ng gobyerno. 

May iba ring mga OFWs ang sabik na sabik ng makauwi dito sa Pilipinas dahil sa nais na nilang makapiling muli ang kanilang pamilya. Ngunit, kahit marami ang gustong makauwi, may iba na sinusubok talaga ng panahon.


Kung may mga mapalad na mga OFWs na nakikipagsapalaran sa ibang bansa at nakahanap ng mabait na amo, iilan din sa ating mga kababayan ang nagdusa at labis na pinahirapan ng kanilang mga amo.

Sa kwentong kagaya kay Cristy, masasabi natin na iba-iba talaga ang tadhana ng bawat tao. May mga tao na swerte sa amo na kanilang pinagtatrabahuhan ngayon, at may iba rin na nangarap na lang na sana hindi na lang sila nangibang bansa. 

Source: KAMI