Isang video kamakailan lang ang ibinahagi ng vlogger at social media influencer na si Madam Kilay kung saan, mapapanood kung paano ito sinugod, dinuro-duro, at minura ng kanyang kapitbahay na umano'y racist. 

Ayon kay Madam Kilay, ang puno’t dulo umano ng naturang pagsugod sa kanya nito ay dahil sa kanyang aso na aksidenteng nakawala at napunta sa garahe ng natura niyang kapitbahay. Sinubukan ni Madam Kilay na magpaliwanag dito ng maayos at kalmado ngunit, galit na galit ang naturang kapitbahay nito at naging racist na nga.

Maliban dito, dinuro-duro at paulit-ulit pa nitong minura ang vlogger na animo’y mayroon na ring panlalait para sa Pinay. Kinompronta ito ni Madam Kilay ngunit, katwiran nito ay mayroon daw siyang “freedom of speech” kaya sasabihin niya kung anuman ang gusto niyang sabihin.

Ngunit, umabot na rin sa punto na halos pagbuhatan na nito ng kamay si Madam Kilay kaya pumalag na rin ang vlogger at sinagot ang racist na kapitbahay. Gayunpaman, mas lalo pang nag-eskandalo ang kapitbahay na ito kahit bumalik na si Madam Kilay sa kanyang bahay.

Dito ay nagbanta pa ang naturang kapitbahay na papatayin niya raw ang aso ng vlogger kapag naulit pa na muli itong makawala at mapunta na naman sa kanyang bahay o garahe.


Kaya naman, sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Madam Kilay ang naturang pangyayari. Ani niya tungkol dito,

“OH ETO CHISMIS!!! ANG KAPITBAHAY KONG ASIAN RACIST! 

“She knows me as Madam Kilay pala eh! Nang dahil na naman sa aso ko na nakawala sa backyard. You can’t control minsan na nakakawala ang aso. Pero ang DURUIN mo ako at murahin… sabihan pang STUPID ako, that’s below the belt.

“KALMA LANG AKO NYAN!! ANG HIRAP MAKIPAG AWAY PAG ENGLISH! Oh mga CHISMOSA KONG KAPITBAHAY! GOODMORNING!”

Agad naman na naging trending ang Facebook post na ito ni Madam Kilay at marami ang nakapanood sa video na ibinahagi nito. Sinuportahan ng mga netizen ang vlogger habang inihahayag din ang kanilang inis at pagkadismaya para sa natura nitong kapitbahay.

Katakot-takot na insulto raw ang binitawan nito sa vlogger pati na rin ang pagbabanta nito sa aso ni Madam Kilay. Kaya naman, ani ng mga ito ay mag-ingat daw ang vlogger o di kaya ay bigyang aksyon niya agad ang nangyari.

Samantala, heto ang ilan pa sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa racist na kapitbahay ni Madam Kilay:

“Thank God I don’t have neighbors like this!!! Why do we have Karens in this World???!!!”

“She seemed to be so hostile around you. This does not only sound like a dog issue… it is something deeper. Just a thought. Wow! She threatened you too and your dog. You really need to file a report against her. Smh. She definitely has issues…”


“Grabe aso lang diyan, galit na. Dito ‘pag nawala aso, hahanapin lang ng may-ari at ibabalik. Mga animal lover mga tao dito. Pero diyan, mga an1m@l mga tao kaysa hayop. Peace!”

“She insulted you madam (mole and eyebrows). It's not related to your dog anymore. And talking to you ridiculously rude!”

“‘Yung galit ka na pero need mong mag-English! Haruuu Jusko. Ang herep nemen!”

Panoorin ang buong video dito!