Isang malungkot na balita ngayon ang kumakalat sa social media matapos nabalitaan ang pagpanaw ng isa sa mga kilalang staff ng It's Showtime na si Jonas Madrigal.

Si Jonas Madrigal o kilala rin bilang Kimberly, ang inaabangan ng mga tao sa show dahil sa kanyang pagpapasaya sa mga studio audience sa It's Showtime. 

Kinumpirma ang pagpanaw ni Jonas ng mga malalapit niyang kaibigan, kabilang na rito si Bidaman Jiro.

Nag post si Bidaman Jiro sa kanyang social media account tungkol sa pagpanaw ng kanyang kaibigan na si Jonas Madrigal.

Narito ang post na ibinahagi ni Jonas sa kanyang social media account:

"Nakakalungkot na balita nanaman. Salamat sa lahat mama Kimberly Madrigal "Artista" sa lahat ng mga masasayang alaala kasama ng It's Showtime family at ng madlang people.

Sobrang buti mo saamin.

#paalam."

Kilala si Jonas bilang isang staff ng ilang hit shows gaya ng It's Showtime, Pilipinas Game KNB at marami pang shows ng ABS-CBN.


Sa ngayon, wala pang inilabas na detalye tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng It's Showtime staff na si Jonas Madrigal.

Maraming mga tao, lalong lalo na ang mga malalapit na kaibigan ni Jonas ang hindi makapaniwala sa pagpanaw ng audience coordinator. 

Ilang araw lang bago pumanaw si Jonas, nag post pa ito ng kanilang mga photos na kumakain sa isang restaurant sa Quezon City.

Sa kanyang post, pinasasalamatan niya ang mga sponsors niya sa kanyang outfit, skin care, dental clinic at iba pa.

Kaya, ganito na lamang ang lungkot na nararamdaman ng madlang pipol ngayon sa balitang pumanaw na ang kilalang Jonas Madrigal.


Narito ang ilang mga komento ng mga netizen sa natanggap na malungkot balita:

"We will miss u Inday Jhonas. aka Kimberly Madrigal ...  We, us your  family hindi makapaniwala sa nangyari😭😭😭. We love u so much Inday Jhonas."

"Nakakalungkot namang balita, kaka post pa lng nta last wik ah😥

REST in Peace JONAS😥🙏"

"Rest in Heaven Jonas, nakakalungkot malaman na wala na ung isa sa mga taong nagpapasaya  sa amin. Proud kami, lalo na ako na naging batchmate tayo.You will never be forgotten🙏😥"

"We will miss you Mam Jonas, I am very thankful to you for being accomodating, entertaining,funny.when we encountered you last 2016 while waiting sa audience entrance."