Muli na namang naging trending ang aktres at host na si Kim Chiu kamakailan dahil sa isang pahayag nito sa It’s Showtime. Dito, namali umano si Kim ng banggit na isang Bible Verse kaya naman, hindi naiwasan ng mga netizen na punahin ang aktres dahil dito.

“The Book of John left the Bible, Kim Chiu. HAHAHA,” ang reaksyon pa nga ng mga netizen tungkol dito.

Sa isang bahagi kasi ng programa, nagandahan ang aktres sa pangalan ng isang contestant na agad naman nitong inihalintulad sa mga gospel sa bibliya. Ngunit, imbes na John 3:16 ang pinagmulan ng ni-recite na bible verse ng aktres ay sinabi nito na Psalm 3:16 umano ito.

Ani pa nga rito ni Kim,

“Ang ganda ng pangalan niya ma, no? Psalm. Parang mga gospel ‘yan sa bible…

“Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up his only son… diba?”

Ang tinutukoy rito na bible verse ng aktres ay ang John 3:16 na isa sa mga pinakapaboritong bible verse ng marami. Kaya naman, dahil alam ito ng marami ay marami rin ang agad nakapuna na mali ang bible verse na binanggit ni Kim dito.

Wala umanong Psalm 3:16 gaya ng sinabi ni Kim at ang ni-recite nga nito ay ang John 3:16 “For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life.”

Dahil dito kaya maraming mga netizen ang hindi naiwasang punahin ang aktres at sabihing nabago na pala umano o nagkaroon na ng “Kim version”. Mayroon ding iba na sinabing sana raw ay hindi nalang nagsalita ang aktres kung hindi naman ito sigurado na tama ang kanyang sasabihin.

Dahil lamang dito ay nakatanggap na naman ng mga pambabash ang aktres kung saan, karamihan ay pinuna nga ang hindi raw magawang pagsasabi ng tama ni Kim ng simpleng bible verse. 


Gayunpaman, sa kabila ng mga ito ay mas marami pa rin naman ang ipinagtanggol si Kim. Ani ng iba ay baka nakalimutan lang talaga ng aktres ang tungkol dito o sadyang nagkamali lamang si Kim nang di inaasahan. “Unintentional mistake” lamang ito kumbaga ng aktres na madalas naman umano ay nangyayari.

Kaya naman, huwag nalang daw batikusin o awayin ang aktres tungkol dito lalo na’t Bibliya ang pinag-uusapan dito. Lahat naman daw nagkakamali gaya ng aktres. Ang mahalaga pa rin naman umano ay maganda ang intensyon ni Kim sa kanyang sinabi.

Saad pa nga tungkol dito ng isang netizen,

“Her intention was sincere and pure. Appreciated na, namali lang talaga. But thanks for the laugh, for the good vibes. Naiintindihan naman namin. Hehe… 


“Humor aside, Kim’s “unintentional mistake” has reminded us of John 3:16 and its “relevance” to our lives. Baka kasi nakakalimot na tayo sa gift of salvation from God at the expense of His Son’s life. Natawa man tayo pero amazing talaga no how God can turn this petty mistake into a huge lesson to remind us of our purpose & mission.”

Panoorin ang buong