Pinagkakaguluhan ngayon sa buong online community ang isang litrato ni lumabas na side-by-side photo ni Bea Alonzo at lola ni Dominic Roque na si Zenny Tamayo. 

Hindi matapos-tapos ang pagbibigay ng mga netizen ng kani-kanilang mga komento tungkol umano sa pagkakahawig ng mukha ng dalawa at tila may "kilabot factor" na nakikita ang mga netizen. 

Ayon sa ilang supporters ng celebrity couple, pinatunayan ni Dominic ang matandang kasabihan na karaniwang nai-in love ang mga lalaki sa mga babaeng kamukha o kahawig ng kanilang nanay o lola.

Ito ay matapos kalat na kalat sa social media ang side-by-side photo ni Bea na makikita talaga ang "young version" ng lola ni Dominic na si Zenny Tamayo.

Kitang-kita sa nasabing mga litrato ang pagiging mestiza ng dalawa at ang halos parehong hugis ng kanilang mukha, ilong at labi.

Si Zenny Tamayo ay nanay ng sikat na aktres na si Beth Tamayo. Kasalukuyang naka-base ngayon sa America ang lola ni Dominic. 

Sa isa pang Facebook post na pinost ng fans na kinuha lamang sa Instagram stories ni Dominic, makikita si Bea na kasama sina Beth Tamayo at Zenny Tamayo. 


Komento ng ilang fans, isang sign daw ito na baka sina Bea at Dominic na nga ang itinadhana. Sana raw ay sa kasalan na rin mauwi ang relasyon ng magdyowa at dasal nila na si Dominic na nga ang forever ng Kapuso actress.

Matatandaan, trending na trending noon si Bea Alonzo matapos eksklusibo niyang ipinahayag sa MEGA Entertainment Magazine ang kanyang take away sa relationship at painful break up nila ni Gerald Anderson.

Nagkaroon ng rebelasyon noong February 28, 2021 kasama ang MEGA Entertainment Editor na si G3 San Diego tungkol sa kanyang totoong nararamdaman sa controversial break up nila ni Gerald Anderson.

Nang tinanong ni G3 San Diego si Bea tungkol sa Bea kung anong advice ang ibinigay ng aktor at perennial screen partner na si John Lloyd Cruz sa last break up niya.

“Merong ‘I told you so’ moment of course, because he never really wanted that guy for me. Well, he never wanted anybody for me. He told me that I can survive it, and he kept telling me that I don’t love him, sabi ni Bea.

“But I didn’t believe him. Because I loved Gerald. I’ve always been into self-preservation when it comes to relationships. I’ve always been the Alpha. Yeah, and it was the first time that I really let myself go and just love fully,” sabi ni Bea kung gaano siya kamahal si Gerald,”dagdag ni Bea. 

G3 San Diego: I ask her what she learned from her last relationship and she answers like any woman who has learned from heartache.


BEA ALONZO: “Siguro yung baon ko talaga is not to let myself be cheated on that way ever again, by anybody. I will never subject myself anymore to that type of relationship,”

Inulan ng komento ang mga naging sagot ni Bea at marami sa mga netizen ang nagsabi na “Bea deserves better.”

Source: bandera