Matapos kinumpirma ni LJ Reyes ang hiwalayan nila ni Paolo Contis na naging boyfriend ng mahigit limang taon, nagsalita na ang aktres tungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nila ng kanyang long-time boyfriend.

Sa inilabas na 21-second teaser ng Boy Abunda's, "The Interviewer," tinanong niya si LJ Reyes kung ang desisyon ng pagtapos ng kanilang relasyon ay sinang-ayunan ba nilang dalawa.

Pigil luha maman itong sinagot ng aktres, “It was so difficult, it was so painful.”

Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, "Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Hindi malinaw kung ang ano ang  ibig sabihin ni LJ.  Kung ang tinutukoy ba niya ay ang tingin niyang  nanlamig sa kanya si Paolo.

Kaugnay nito, binasag naman ni LJ ang lahat ng mga espekulasyon ng marami na kung bakit opisyal na silang hiwalay ng kanyang long-time boyfriend na si Paolo Contis.


Ayon kay LJ, matagal tagal din siyang nanahimik na lang sa kung ano ang mga na-realize niya sa kanilang relationship. Marami rin siyang mga bagay na nadiskubre sa loob ng kanilang relasyon nitong mga nakaraang mga buwan.

“The past two months have been revelation after revelation,” paglalahad ng aktres.

Isiniwalat din ng aktres kung gaano kahirap sa kanya na matulog tuwing gabi. Ang tanging nakakapag pagaan ng kanyang loob ay ang makinig sa mga praise and worship songs.

“Sa gabi nagpapatulog sa kin ay praise and worship," dagdag ng aktres.

Sinabi rin ng aktres na kung minsan ay binabangungot na siya at marami rin siyang mga tanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun ang kanilang kinahinatnan.

“Minsan binabangungot na ako, paano nangyari ‘yung mga bagay na nangyari?” aniya.

Ayon ni LJ, hindi na raw niya kayang ihiwalay ang 'reality' na nalaman niya at bukod pa dito, ginagabayan din siya ng mga impormasyon na ibinibigay sa kanya ng mga tao.

Mahigit limang taon ang itinagal ng pagsasama nina Paolo at LJ Reyes.


Si Summer, dalawang taong gulang, ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Noong August 20, naging tampok ng espekulasyon ang relasyon nina LJ at Paolo mapatapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na si Paolo kay LJ.

Maalalang, burado na rin sa Instagram feed ni Paolo ang lahat ng litrato ni LJ, kaya maugong ang usap-usapang nag-break na ang mga ito.

Source: KAMI