Hindi alam ng netizen at nanay na si Xhernz kung ano ang mararamdaman matapos na gayahin ng kanyang batang anak na babae ang isang trend sa TikTok. Napaiyak kasi ang bata nang tingnan nito ang sarili sa salamin matapos ang gayahin ang naturang TikTok trend.

Ayon kay Xhernz, hindi niya raw alam kung matatawa o malulungkot daw siya sa nangyari sa anak. Ngunit, mukhang mas marami sa mga netizen ang hindi napigilang matawa sa nangyaring ito sa bata.

Pagbabahagi pa ni Xhernz, akala niya raw ay natutulog pa ang bata sa kwarto dahil masyado raw itong tahimik. Ngunit, nang silipin niya ang anak, mayroon daw pala itong ginagawa kaya ganoon katihimik.

Nang tingnan niya kung anong ginagawa nito, ayon sa bata ay mayroon daw itong ginagaya sa TikTok. Gaya ng kanyang napapanood, sinipsip nito ang takip ng isang inumin at dahil dito kaya nag-iba ang porma o hugis ng kanyang labi.

Ayon pa kay Xherns, noong una ay hindi nya raw alam kung anong nangyayari sa anak at nagkaganoon ang labi nito. Inakala niya raw muna na baka kinagat daw ng insekto ang labi ng bata. Ngunit, dahil lang pala ito sa pinanood na TikTok video ng anak.

Samantala, nang makita ang itsura ng anak, sinabihan ito ni Xhernz na tingnan ang sarili nito sa salamin. Dito nga ay agad nag-iba ang itsura ng anak at bigla itong naiyak nang makita ang nangyari sa kanyang labi.

Lumubo kasi ang labi nito dahil nga sa pagsipsip nito sa takip. “Pouty lip” kung tawagin ngunit, animo’y natakot ang bata nang makita ang sarili kaya naiyak na lamang ito.

Habang umiiyak dahil sa hindi inasahang nangyari sa kanyang labi, ayon sa bata ay hindi na raw ito uulit pa sa kanyang ginawa. Ayon naman kay Xhernz, sino nga naman umano ang uulit kung ganoon ang mangyayari.



Matapos nitong ibahagi sa Facebook ang tungkol dito, agad itong naging viral at umani ng iba’t-ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. Ngunit, karamihan sa mga ito ay talaga namang natawa sa nangyari sa bata.

“Tiktok pa more” nga raw, ani ng karamihan sa mga netizen. Hindi raw nila mapigilang matawa habang tinitignan ang mga larawan ng bata. Ayon daw kasi at kung anu-ano ang ginagaya. Gayunpaman, cute pa rin naman umano ang bata at naaliw sila rito.

Kagaya nga ng nanay nito na si Xhernz, hindi rin daw nila malaman kung matatawa o maaawa sila sa naiyak na bata. Cute na cute rin kasi sila sa makulit na batang ito.Samantala , mayroon namang ilan na nagsasabing nakakarelate din umano sila sa nangyari.

Mayroon din daw silang mga anak, kapatid, at maging mga pamangkin na mahilig manood ng mga video sa TikTok at kalaunan ay nanggagaya sa kung anu-ano na nakikita nila roon. Kadalasan, nakakatawa rin umano ang resulta ng mga panggagaya nilang ito sa mga TikTok trend.


Maliban dito, mayroon ding iba na nagsasabing mukhang babantayan na raw nila ang kanilang mga anak na nagti-TikTok dahil baka magaya rin ito sa bata.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 11,000 lang naman na reaksyon ang naaani ng post at mga shares na libu-libo rin.

Source: facebook