Ikinagulat at ikinalungkot ng marami ang balitang pagpanaw ng komedyanteng si Mahal, o Naome Tesorero sa totoong buhay, nito lamang hapon ng Martes, ika-31 ng Agosto, 2021, sa edad lamang na 46. Kinumpirma ito mismo ng kanyang kapatid na si Irene Tesorero.

Base sa inisyal na ulat, gastro illness at COVID-19 umano ang ikinamatay ng komedyante. Dahil din sa COVID-19 restrictions kaya wala pang inilabas na detalye tungkol sa burol ng minamahal na komedyante.

Samantala, agad naman na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang ilan sa mga nakatrabaho at malapit na kaibigan ni Mahal. Inalala ng mga ito ang mga ngiti na ibinahagi sa kanila ng komedyante at ang kabutihan nito bilang isang kaibigan. Ilan lamang nga sa mga ito ay sina Brenda Mage at Kiray Celis.

Kaugnay naman nito, isa rin ang kilalang psychic na si Rudy Baldwin sa mga nagpaabot ng kanilangpakikiramay para sa pagpanaw ng kilalang komedyante. Ani pa nito sa kanyang ibinahaging Facebook post,

“R.I.P. SA ISA SA MGA COMEDY LEGEND NG BANSA! MAHAL, GABAYAN KA NG PANGINOON NATIN TUNGO SA KATAHIMIKAN. ISA AKO SA MGA HUMAHANGA SAYO.”

Ngunit, kalakip ng post na ito ni Baldwin ay ang larawan ng isa sa mga naging vision nito noon. Animo’y ang pahiwatig ni Baldwin ay si Mahal ang tinutukoy nito sa naturang vision na isa umanong legendary na komedyante sa bansa na papanaw.


Base sa ibinahaging Facebook post na ito Baldwin, July 26 nang magkaroon ito ng vision tungkol sa dalawang komedyante umano na magpapaalam sa mundo kung saan, ang isa ay kilala at maituturing na legend sa pagpapatawa sa mundo ng showbiz.

“Dalawang comedian ang nakikita ko na magpapaalam sa mundo natin. Ang isa ay isang legend sa mundo ng showbiz sa pagpapatawa,” ang ani pa ni Baldwin sa kanyang vision.

Dahil dito kaya hindi maiwasan ng ilan na malungkot at kilabutan dahil nagkatotoo umano ang naging hula ng psychic. Bagama’t limitado lamang ang mga pwedeng mag-iwan ng komento sa post na ito Baldwin, kita naman sa mga reaksyong ibinahagi ng mga netizen ang lungkot ng mga ito sa nangyari kay Mahal at sa hula ni Baldwin na nagkatotoo.

Hindi ito ang unang beses na umano’y nahulaan ni Baldwin ang isang malaking pangyayari katulad na lamang ng pagpanaw ng ilang mga kilalang personalidad o ang pagdating ng ilang mga sakuna. Kaya naman, marami ang naniniwala na nagkakatotoo nga ang mga hula ni Baldwin kaya umani na nga rin ito ng mahigit apat na milyong (4M) followers lang naman sa Facebook.

Bago ang kanyang hindi inaasahang pagpanaw, napanood pa ng publiko si Mahal matapos na bisitahin at personal nitong pinuntahan sa Albay ang malapit na kaibigan at kapartner nito sa komedya na si Mura. 


Dito ay binigyan niya pa ng tulong si Mura at nangako na patuloy niya itong tutulungan hangga’t nabubuhay siya. Ani niya pa nga sa kaibigan,

“Sabi ko, Mura huwag ka na mag-ganyan [umiyak]. Parang naawa lang ako kasi hindi ko expect 'yung wala kang trabaho. 'Yung pagte-therapy mo, hangga't nag-uugod-ugod, ipapa-therapy kita…

‘Kapag halimbawa, nawala ako sa mundo, mayroon akong konting naitulong sa 'yo.”

Source: facebook