Viral ngayon sa TikTok ang isang video kung saan, makikita ang dalawang taong nakatalikod na naglalakad na anila ay sina Paolo Contis at Yen Santos umano na magkasama. Sa naturang video, kitang close na close ang dalawa habang nakaakbay pa sa isa’t-isa.

Ayon sa mga netizen na nakapanood nito, halata umano na sina Yen at Paolo nga ang nasa naturang video kahit pa nakatago sa face shield at facemask ang mukha ng mga ito. Kuha raw ang naturang video sa Manaoag Church na umani naman agad ng iba’t-ibang opinyon lalo na’t nasa kalagitnaan ngayon ng kontrobersiya ang aktor.

Kamakailan lang, kumpirmadong hiwalay na si Paolo sa partner nitong si LJ Reyes. Kinumpirma mismo ito ng aktres sa isang emosyonal na panayam sa kanya ni Boy Bunda. Ito ay matapos ang ilang linggo na ring spekulasyon ng publiko na hiwalay na ang dalawa.

“Umabot sa point na nag-break na po kami. After a few days, na-realize ko na 'di pwede ganito. Nagbaba ako ng pride kahit ako 'yung nasasaktan. Inisip ko baka kailangan nila ng complete family. Tinanong ko siya, 'if you want to take us back.' Pero hindi na raw...

“Matagal ko nang nararamdaman na nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po 'yun. Honestly, ako po ang nagsabi na parang nasa ibang mundo na siya… Hindi siya mutual. Kasi naniniwala ako na kapag mutual ang isang desisyon, ito ay pareho kayong sumasang-ayon na hindi na nagwo-work 'yung relationship,” pagbabahagi pa ni LJ.

Dahil dito, iba’t-ibang spekulasyon din ang lumabas tungkol sa dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Isa na nga rito ay ang isyung thrid-party umano o pagkakaroon na ng ibang karelasyon ni Paolo.


Isa nga rin sa mga agad lumitaw na pangalan ay ang kay Yen na siyang bagong katambal ni Paolo sa kanilang bagong pelikula na ‘A Farway Land’. Maliban kasi sa naturang video na kumalat, animo’y nakumpirma ng mga netizen na si Paolo nga ang lalaking makikita roon.

Ito ay dahil isang larawan ng dalawa na magkasama ang viral ulit sa social media kung saan, naka-harap sa gilid ang aktor. Pareho rin ang suot ng mga ito mula sa nakunang video. Hindi naman maiwasan na umani naman agad ng mga negatibong komento ang dalawa kung saan, ang ilan ay naghayag ng kanilang pagkadismaya kay Yen.

Gayunpaman, marami sa mga netizen ang ipinagtanggol din si Yen dahil ani ng mga ito ay walang kinalaman ang aktres sa hiwalayan nina Paolo at LJ. Masaya umano ngayon si Yen sa kanyang buhay at wala itong rason para pumasok sa ganoong klase ng relasyon.

Samantala, heto pa ang iba’t-ibang mga komento ng mga netizen sa naturang viral video:

“Anyaree Yen? Bakit naging Jade ka? Sa dinamidami ng lalaki diyan ka pa talaga pumatol?”

“May movie kasi sila. baka nagka developan or for promotion lang? Knowing showbusiness.”

“Hindi kayo ligtas sa face mask at faceshield sa mga mosang cctv.”


“Halatang siya nga lalo na kapag nkatalikod. Kahit nakamask at faceshield ka pa, hindi ka makakatanggi. Ang talas ng mga mata ng cctv dyanl alo na't sikat kayo ngayon.”

“Anong nangyari Yen? Idol pa naman kita. Ano ikaw na ngayon si Jade mang-aagaw???? Haisttt nakakalungkot bigla.”

Panoorin ang buong video dito!