Gustong gusto ng aktor na si Paolo Contis na sundan umano ang anak nila ni LJ Reyes na si Baby Summer, ngunit hindi mawawala ang takot ng aktor sa patuloy na banta na dala ng COVID-19.

Noong taong 2020, pinag-usapan nilang mag-asawa ang pagkakaroon ng bagong baby, pero naramdaman niya na malabo pa itong mangyari lalong lalo na sa panahon ng pandemya. 

Ayon sa aktor, alam niya kung gaano kahirap para sa isang babae ang mag-buntis o magdadalang-tao, lalong lalo na sa panahon ng krisis na naranasan ng buong mundo. 

“Sana, sana (magka-baby uli). Kung kayang hintayin pa naman, itong matapos itong pandemic,” pahayag ni Paolo kamakailan sa online talk show niyang “Just In.”

Dagdag rin ni Paolo, nakakalungkot lang umano isipin na hindi ma-enjoy ng kanyang mga anak at iba pang mga bagets ang kanilang kabataan dahil sa COVID-19.

Chika ni Pao, “Kasi nalulungkot ako for the kids, eh. ‘Yung nasa bahay lang sila, they don’t know what’s happening, they don’t know kung bakit hindi sila makalabas ng bahay. Hangga’t kaya mong i-explain, hindi, eh.”


Dasal at wish pa ng Kapuso actor, “I really hope matapos itong pandemic next year. Kasi feeling ko malaki ang nawawala sa kabataan nila.

“And ayokong magpasok ng isa pang bata na ganito rin ‘yung daratnan niya sa paligid. Medyo hindi pa clear ‘yung future, eh,” ang nag-aalala pang pahayag pa ng partner ni LJ.

Sa isang online show ni Paolo na naging guest niya si Ina Raymundo, ayon sa aktres, mahirap daw sa kanya na dagdagan pa niya ang lima niyang anak. 

Ayon sa aktres, kahit gustuhin daw nila ng kanyang asawang si Brian Poturnak na magkaroon ng ika-anim na baby, bukod sa kanilang edad, mahihirapan din sila dahil problema rin ang pagpapa check-up dulot ng pandemya. 

“Tama ka, parang ang hirap mag-check-up. Paano ka magtse-check up sa mga panahon ngayon?

“So siguro kung makabawi naman tayo next year, then we will plan again. Ang sarap kasing may bata, ‘di ba?” ang chika pa ni Paolo Contis.

Kamakailan lang ay mainit na pinag-uusapan ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ni Paolo Contis at LJ Reyes dahil umano sa third party issue. 


Maalalang, binasag na ni LJ ang lahat ng mga espekulasyon ng marami na kung bakit opisyal na silang hiwalay ng kanyang long-time boyfriend na si Paolo Contis.

Ayon kay LJ, matagal tagal din siyang nanahimik na lang sa kung ano ang mga na-realize niya sa kanilang relationship. Marami rin siyang mga bagay na nadiskubre sa loob ng kanilang relasyon nitong mga nakaraang mga buwan.

“The past two months have been revelation after revelation,” paglalahad ng aktres.

Source: bandera