"Sana all," ito ang karaniwang naging komento ng mga netizen sa ibinahaging post ng isang aktres tungkol sa isang reward na natanggap niya mula sa kanyang husband. 

Sa post ni Lovely Manalo sa kanyang official Facebook account na Labol Manalo, ipinakita niya ang mga screenshots ng conversation nila ng kanyang asawa na si Donbie Manalo. 

Sa kanyang post, sa mga pinost na screenshots sa kanilang conversation, sinabi ni Lovely na ina-allergy siya at masakit umano ang kanyang ulo.

"Babe, parang inaallergy nanaman ako, nagpadala na ako warm water dito sa taas," chat ni Lovely sa kanyang asawa. 

"Awwww… sabi ko naman kasi sayo na pahinga ka eh. Bakit kasi gising ka na? Pahinga ka please, reply ni Donbie Manalo kay Lovely.

Nagising umano si Lovely dahil sa delivery sa EMS kasi nag aalala siyang baka di makarating sa kanilang bahay. Kaya iyon umano ang dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo ay dahil kulang siya sa tulog.

Nag-reply naman agad si Donbie na kailangan uminom ni Lovely ng gamot pang-allergy at papadalhan siya nito ng 200K sa bangko mismo ni Lovely.

"Ayun lang. Cge inom ka ng pang allergy mo tapos padalhan kita 200K sa bangko mo :) rest ka please :)," reply ni Donbie kay Lovely.

Laking gulat na lang ni Lovely na nagpadala ng isang screenshot photo si Donbie ng proof of transaction. At totoong 200K talaga ang pinadala ng husband ni Lovely. 


Basahin ang buong post ni Lovely:

P.S di pala alam ng iba na pwede nila enroll ang Bdo account ng pagttransferan nila palagi ng pera at maximum ng 1M. Sana makatulong sa mga di nakakaalam nabasa ko lang sa comment section, kala nila hanggang 50k lang.

Share ko lang sa inyo, maganda talaga ang magsabi ng totoo sa mga asawa natin, hahahahaha.. Excited talaga akong magwork today!!! Thank you babe Donbie Manalo Love you!!!

Maraming mga netizen ang umano'y nainggit sa pinost ni Lovely at nagbigay din sila ng kani-kanilang komento tungkol sa post na kanilang nakita sa social media.

"Wow!! Mapapasana all nalang ako tlga swerti mo talaga sa asawa mo maam lovely bihira lang ganyan mga asawa😍😍"

"Mapapa SANA ALL k nlng tlga😂 miss lovely my allergy din po ako at sumaskit din po ulo. .khit 200h lng. .khit ndi na 200k😂😂😂"



"Isang malaking Sana all talaga kahit 😍 maghilata pako magdamag at matanggal ang ulo sa sakit walang magsesend sakin ng ganyang kalaki kahit 5k lang masaya nakoo hahaha madami nako mabibiling gamit ng anak ko😂🥰"

"SANA ALLLLLLLL.. .!!💣😮 Ako kasi kahit magkabale-balengtong na sa kakaarte waley talaga ni piso e!😂😂😂"

Matatandaang, nag viral ang celebrity couple matapos nabili nila ang kanilang bagong bahay dahil sa kanilang sipag sa pag o-online selling; BenLy's Online Shop.

“Sa mga kapwa ko ONLINE SELLERS, nakakaPROUD kayo.. SOON magkakaroon din kayo ng tulad nito, parang panaginip,” saad ni Lovely. 

Source: facebook