Marami ang nagtaka sa pagkawala ni Kim Chiu sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime at pilit inaalam ng mga netizen ang dahilan sa likod ng pagkatanggal at pagkaalis ng aktres.

September 28, 2020, opisyal na nakasama ng It's Showtime barkada ang Chinita Princess na si Kim Chiu bilang isa sa mga hosts. Dati, makailang beses na ring napanood ng mga madlang pipol si Kim Chiu sa noontime show bilang isa sa mga guests.

Bilang isang guest, marami sa mga Showtime barkada at pati na rin sa mga manonood na isama ang aktres bilang isa sa mga hosts dahil. Kakaibang energy at good vibes ang hatid umano ng aktres sa mga viewers.

Dahil sa magandang performance ni Kim, nitong nakaraang taon lang, nakapag desisyon ang  production team na isama si Kim Chiu sa grupo nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ryan Bang at iba pa.

Dahil dito, marami ang natuwa dahil opisyal ng kasama si Kim bilang isa sa mga hosts ng It's Showtime at nakita rin ng marami ang magandang personalidad ng aktres. Kayang kaya rin daw umanong makipagsabayan ng aktres sa mga co-hosts nito.

Ang pagpasok ng aktres sa programa ay hindi naging madali. Ayon sa ilang mga ulat, pinag-usapan noon na may isang kasamahan sa show na hindi gustong mapasama si Kim sa kanila. Sinabi mismo ni Kim na hindi lahat ng kasama niya sa show ay tanggap ang kanyang pagkakasali bilang isang mga hosts sa show. 

Minsan sa isang mensahe ni Kim kay Vice Ganda noong nag-celebrate ito ng kaarawan sa kanyang show, labis ang kanyang pasasalamat sa komedyante sa pagtanggap sa kanya ng buong-buo nang nakapasok siya sa nasabing show.

Marami ang na-intriga noong sinabi ng aktres na may isang kasamahan sa show na hindi tanggap na parte na siya ng nasabing show. Lumabas ang balita na ang dating director umano ng It's Showtime ang siyang may ayaw na mapasali ang aktres sa kanilang grupo.

Matatandaan, umalis ito sa Showbiz matapos ang 11 years, at isa sa mga rason nga aktres ay binabaan umano ang kanyang talent fee. Nangyari ito simula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa kabilang banda, humangang lubos ang komedyante na si Vice Ganda kay Kim. Ayon kay Vice, hangang hanga siya sa pagiging propesyonal ni Kim at madali lang umano makabisado ang kanyang mga linya. 

Dagdag pa ni Vice, naramdaman nilang lahat na madaling magkaroon ng koneksyon kay Kim, kaya pinayuhan niya na hayaan lamang ang kanyang sarili na magkamali dahil iyon ang mga nakikita ng mga viewers na kung saan naaaliw sila.


Napag-usapan din noon sa episode ng show ang pagkawala ni Kim sa It's Showtime. Napag-alaman kasi na pumunta sila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim sa isang beach para i-celebrate ang Valentine's Day. Muli na namang nalagay sa spotlight ang aktres dahil sa nagkatuwaan ang lahat sa rason ng kanyang pag absent.

Kamakailan lang ay usap-usapan na sa social media ang pagkawala ng exposure ni Kim sa show. Marami ang nakapansin na wala na siya sa mga segments na kung saan kasama siya sa mga mag ho-host dito. 

Dahil dito, marami ang nagbigay ng kanilang mga saloobin sa tila pagkawala ni Kim sa nasabing show. 

Heto ang ilan sa mga pahayag ng mga supporters ni Kim sa social media na kung saan trending ang aktres:

"We miss seeing Kim Chiu on Showtime as a host of Madlang People and Reyna ng Tahanan."

"Lagi kong inaabangan ang mga pa-OOTD ni Kim and napakataas ng kanyang energy at buong presence niya sa show. Kung kailan naman lagi siya nag-trend, saka naman binawasan exposure niya."

Oo, iba yung ingay na dala niya. Nakakamiss talaga isang Kim Chiu. We always want Kim Chiu on It's Showtime. Ang tamlay namin noong hindi siya na-ghost."

Samantala, naging agaw pansin naman ang post ng boyfriend ng aktres na si Xian Lim sa social media. Ni-repost kasi nito ang IG story ni Kim tungkol sa paglalarawan ng isang tao na may Taurus zodiac sign. 


Ang nakalagay sa post ni Kim, "As a Taurus, you are often taken for granted due to very kind and sensible nature. You aren't likely to reverse a decision."

Ayon naman sa actor,

"Your self-worth is determined by you. You don't have to depend on someone to tell you who you are."

Nagsulat din ng mensahe si Xian Lim para sa kanyang girlfriend at sinabing,

"Never dim your light for the sake of others my love. In this lifetime, all we have is our self worth. Don't let anyone take that away from you. 

Yes, you are loved by millions. Keep moving forward."

Agad naman nagbigay ng haka haka ang mga netizen na ang mensaheng iyon ay may kinalaman sa pagkawala ng exposure kanyang girlfriend sa It's Showtime. Ngunit, tanging si Kim lang at executive ng show ang makapagbigay ng tunay na dahilan kung bakit tila bihira na lang ang exposure ni Kim sa It's Showtime.

Source: phtrendy