Matapos kumalat ang isyu tungkol sa pagkakadawit ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan nila ni Paolo Contis at LJ Reyes, feeling "so down" daw ngayon si Yen Santos.

Ayon sa ulat ng PEP, nakausap nila ang malapit na kaibigan ni Yen Santos, kung saan naitanong nila kung magbibigay na ba ng pahayag ang aktres tungkol sa mga ibinabato sa kanya. 

"I will ask her. She's so down right now kaya all we can do is comfort her," sagot umano ng nasabing source. 

Hindi pa umabot ng isang oras, muli umanong sumagot ang malapit na kaibigan ni Yen at sinabing, "No comment na muna si Lilieyen."

Lilieyen Santos ang tunay na pangalan ng aktres na kilala ng marami bilang Yen Santos. Unang nakilala sa publiko nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Nang usisain pa ng PEP, kung sino ang nasabing source, napag-alaman nilang kapatid pala ito ng bestfriend ni Yen. "She's a family friend. Bestfriend siya ng sister ko."


Sa mga larawan naman na naka post sa social media account na hindi pinangalanang source, makikita ang mga photos ni Yen. 

Nalaman din na may mga komento ang aktres  sa mga post ng source at may litrato pa nga na magkasama ang dalawa. Sa mga nakalipas na taon, mula pa noong 2013.

Sa Facebook page din ng mga fans ni Yen, nakita umano ang pagtatanggol ng source kay Yen laban sa mga patuloy na namba-bash sa kanya tungkol sa kumakalat na isyu.

Ayon sa post, "Lilieyen is a smart girl and I don't think she would ruin her reputation over a guy."

Bukod sa kasalukuyang isyu na kinasasangkutan ng aktres, marami pa raw ang kumalat na intriga tungkol kay Yen, ngunit kahit isa wala naman umanong ebidensya.

Matatandaan, sa inilabas na 21-second teaser ng Boy Abunda's, "The Interviewer," tinanong niya si LJ Reyes kung ang desisyon ng pagtapos ng kanilang relasyon ay sinang-ayunan ba nilang dalawa.

Pigil luha naman itong sinagot ng aktres, “It was so difficult, it was so painful.”

Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”


Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, "Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Hindi malinaw kung ang ano ang  ibig sabihin ni LJ.  Kung ang tinutukoy ba niya ay ang tingin niyang  nanlamig sa kanya si Paolo.

Kaugnay nito, binasag naman ni LJ ang lahat ng mga espekulasyon ng marami na kung bakit opisyal na silang hiwalay ng kanyang long-time boyfriend na si Paolo Contis.

Ayon kay LJ, matagal tagal din siyang nanahimik na lang sa kung ano ang mga na-realize niya sa kanilang relationship. Marami rin siyang mga bagay na nadiskubre sa loob ng kanilang relasyon nitong mga nakaraang mga buwan.

Source: hottesttrendzonline