Naging usap-usapan naman ngayon sa social media ang isa sa mga hinahangaang aktres na si AJ Raval dahil sa kanyang pagkakaugnay umano sa isang aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa isang picture na pinost ng netizen na kuha umano sa mismong labas ng kanyang kwarto.

Sa video na ibinahagi ng netizen, ipinakita niya ang view sa mismong labas ng silid ng aktres. Karugtong ng maiksing video ay nilagay ang picture na ibinahagi naman ni Aljur kamakailan lang din. 

Inalmahan naman ni AJ ang pag-uugnay sa kanya sa nasabing aktor matapos mag post din si Aljur Abrenica ng isang picture na kung saan inihambing ng mga netizens ang background nito na pareho umano sa background din ng kwarto ni AJ Raval. 

Ang background ng picture na pinost ni Aljur Abrenica at ang background ng view sa labas ni AJ Raval ay parehong-pareho nang inihambing ang dalawa ng mga netizens. 

Depensa naman ng aktres na “edited” umano ang mga nakikita ng mga netizen sa social media tungkol sa videos at picture. Ito ang sabi ni AJ sa comment section.

Isa sa mga tinitingala ngayon sa telebisyon at maging sa mundo ng social media si AJ Raval. Kamakailan lang ay humakot ng samu't saring reaksyon ang kanyang inupload na video sa kanyang YouTube channel.

Sa kanyang vlog kamakailan lang na "Jojowain o Totropahin," sinabi niya kung ano ang klase ng mga lalaki na kanyang type. Ayon sa kanya, hindi raw niya type ang mga conyo guys dahil kinalalakihan niya ang mga tipo ng kanyang ama at kuya na astig at pang masa.

Nabanggit niya ang mga pangalan  ng ilan sa mga sikat na aktor na sila Tony Labrusca, Marco Gumabao, Sam Concepcion, Diego Loyzaga, Ronnie Alonte at Jerome Ponce. Lahat ng mga nabanggit na pangalan ay para kay AJ, "totropahin" lang daw. 

Samantalang nasa "jojowain" list ni AJ ay sila ni Jameson Blake, Axel Torres, Donny Pangilinan at Joshua Garcia. 

Nang nabanggit ang pangalan ni Ronnie Alonte, inamin ni AJ na noong bandang 2016 ay nag cha-chat daw siya  gamit ang kanyang Instagram account bilang fan girl. 

Pero noong medyo napansin na siya ng mga tao at dumami na rin ang kanyang mga followers, agad na niyang bli-nock si Ronnie. 


Ipinaliwanag naman ni AJ kung bakit niya ginawa iyon. Ang ginawa niyang pag block ay isang act daw bilang pagbibigay ng respeto sa current girlfriend ni Ronnie na si Loisa Andalio. 

Sinabi ni AJ na kasama na sa kanyang memories ang kanyang pagka fan girl kay Ronnie Alonte at inamin din niya na puppy love lang daw iyon.

Si AJ Raval ay unang lumabas sa noontime show na, "It's Showtime" at magmula noon, lagi na siyang inaabangan ng mga madla. Marami na ring mga followers si AJ Raval sa kanyang mga social media accounts. 

Si AJ ay isang YouTube vlogger at may sobra sa kalahating milyong subscribers na siya sa kanyang YouTube channel. Matatandaang nag viral ang kanyang video noon sa kanyang YouTube na "Carwash."

Pinainit noon ni AJ Raval matapos ang kanyang viral na viral na vlog na tungkol sa isang car wash. Pansin na pansin ang kanyang white sexy dress habang klarong klaro ang kanyang undies.

Sa kanyang vlog, makikitang nililinisan niya ang kanilang sasakyan na Ford habang suot ang kanyang napaka sexy na white dress.

Ibang video rin  ni AJ ang nag trending matapos ang kanyang nag viral na sexy outfit habang naglilinis ng kanilang bahay. 

Inamin naman ng ama ni AJ na si Jeric Raval na hindi niya gusto ang ipinapakita ng kanyang anak sa social media. Ngunit, suportado pa rin niya ang kanyang anak dahil alam niyang dito sasaya si AJ. At bilang ama, siya ang nagsilbing gabay ng kanyang anak sa mga ginagawa nito. 


Si AJ ay unang bumida sa isang pelikula na "Death of a Girlfriend" kung saan siya ang gumanap bilang leading lady ni Diego Loyzaga. 

Matatandaang nagkaroon din ng mga sexy scenes ang dalawa at ito ang simula ng public daring scenes ni AJ na ipinapakita sa publiko.

Marami ang natuwa sa ginawang vlog ni AJ lalong lalo na't pinapakita pa niya ang kanyang kaseksihan sa kanyang vlog. Sa kasalukuyan ang vlog ni AJ ay mayroon ng 2.1 million views.

Source: KAMI