Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang pasabog na rebelasyon ni Aljur Abrenica tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Kylie Padilla. 

Sa official Facebook account ni Aljur, nagsalita na si Aljur tungkol umano sa kung ano ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila.

Sa kanyang post, sinabi niya na kailangan ng magsalita ni Kylie sa madla tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Sinabi niya na hindi na kailangan pang itago ni Kylie ang katotohanan para sa kanyang sariling kapakanan lang. 

"Kylie please tell them the truth," post ni Aljur sa kanyang official Facebook account. 

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know," dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, deserve ng lahat ng mga tao na malaman kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng kanilang hiwalayan. 

Nabanggit rin ni Aljur na sa panahong nag open up si Robin Padilla, tatay ni Kylie, naging one-sided umano ang kanyang dating sa publiko.

Ngunit ang lahat ng ito daw ay tinaggap lang ni Aljur at mas pinili na lang niyang manahimik sa mga oras na iyon. 

"When your dad (robin) opened to the public his one sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading your statements it breaks my heart that you can sit still despite the truth," paliwanag ni Aljur. 

"Tell them who cheated first. Tell them who you are with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth," aniya. 

Marami sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga komento matapos magsalita ni Aljur tungkol sa isyu. 

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:


"You should both fix it. Even if Kylie cheated on you first well its not right for you to cheat too. You must fix it instead of giving up on her remember what you've promise on each other."

"You’re not a cheater but a traitor? In the first place, why don’t you settle it in private before it becomes viral?If your wife is a cheater and you find another woman, does it fix the same mistake? It doesn’t make sense to prove in public that you are innocent. Oh com’n it’s 2021 and people are very keen on your actions as a public figure. Go home and wash your hands."

"That's why we have to know the full story first before judging them,, they are also human beings guys,,, it just because they are celebrities doesn't mean we have right to judge them."

Matatandaang, umugong ang isyu tungkol sa third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na may kinalaman si Cindy Miranda, leading lady ni Aljur sa pelikulang Nerisa. 

Agad sinagot ng aktres na si Cindy Miranda ang mga panay na komento sa kanyang post na siya ang tinutukoy na third party. 

Kamakailan lang din, inalmahan  ni AJ ang pag-uugnay sa kanya sa nasabing aktor matapos mag post din si Aljur Abrenica ng isang picture na kung saan inihambing ng mga netizens ang background nito na pareho umano sa background din ng kwarto ni AJ Raval. 

Ang background ng picture na pinost ni Aljur Abrenica at ang background ng view sa labas ni AJ Raval ay parehong-pareho nang inihambing ang dalawa ng mga netizens. 

Depensa naman ng aktres na “edited” umano ang mga nakikita ng mga netizen sa social media tungkol sa videos at picture. Ito ang sabi ni AJ sa comment section.


Source: facebook