Pinagkakaguluhan ngayon ng online community ang dalawa sa mga sikat na aktor at singer sa  pagbabalik tanaw nila ni Darren Espanto at Erik Santos sa mga panahon na sila ay nagkakilala at nabuo ang kanilang pagkakaibigan. 

Sa “Magandang Buhay” nitong Biyernes para sa selebrasyon ng kaarawan ni Erik Santos, ibinahagi ni Darren na nahihiya at intimidated umano siya sa tinaguriang “Prince of Pop” na una niyang nakasama noong lumalaban pa siya sa “The Voice Kids.”

"Ako po as a person I'm very shy and I'm really an introvert. Hindi po ako ma hi. Kaya a lot of people think na medyo snob, ako suplado. Medyo ganoon din po siya sa akin noon. So imagine niyo po ang kaba ko na nandiyan ang iniidolo niyo. So akala ko talaga suplado siya so hindi ako talaga nagha-hi sa kanya masyado kahit sa 'ASAP,'" kuwento ni Espanto.

Pahayag ni Darren, nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Erik Santos nang nagkataong nagkausap sila sa isang ABS-CBN ball noong 2018. 

"Yun nga sinabi niya sa akin sa ABS-CBN Ball 'Bakit ka ganun sa akin? Alam mo mabait naman ako.' 'Yun po talaga. So talagang after that I was like, okay. Like we had the same thoughts about each other na parehas kaming intimidate or parang suplado but after that okay naman po, nag-uusap na po kami at mas naging okay na kami sa 'ASAP' when we would have prods together and stuff like that."

Hirit naman ni Santos sa kuwento ni Espanto: "Pero kasi medyo nakainom ako nung ABS-CBN Ball kaya medyo may lakas ako ng loob."

Ayon kay Espanto, maliban sa pag-awit, hinahangaan niya rin si Santos dahil sa debosyon nito sa pamilya.

Sa huli, pinasalamatan ni Espanto si Santos na naging isang tunay na kuya para sa kanya. Hiling din ni Espanto ang biyaya at kasiyahan para kay Santos.

Matatandaang, nag trending noon ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto sa kanyang mga ligaw tips ngunit inamin din ng aktor na magpa hanggang ngayon ay wala pa rin daw siyang jowa at wala rin siyang nililigawan. 

Nitong mga nakaraang buwan lang ay nag celebrate ang aktor sa kanyang 20th birthday kasabay ng pagbalik niya sa Pilipinas makalipas ang ilang buwang pananatili sa bahay nila sa Canada kung saan doon siya inabutan ng lockdown dulot ng pandemya. 

Sa panayam kay Darren ng Monster RX93.1, tinanong siya kung ano ang nakikita niya sa kanyang sarili 10 years from now.


“Sana I’m still doing what I love which is performing and making music and all that and hopefully by then I’ve released a few international singles and I’ve gotten a few international recognitions na rin hopefully. Libre lang naman mangarap.”

“But in regard to my personal life, maybe I’II be married, you know we never know. 30 is a weird age. Some people are married. Some people are having kids, some people are enjoying their single life.”

“So you never know what the future holds. Siguro by then I may not just have a girlfriend, maybe fiancee ko na siya or maybe single pa rin ako,” pagbabahagi ni Darren sa kanyang sagot.

Nabanggit din niya kung ano ang gusto niyang babae o ang kanyang ideal girl ngunit sabi niya na sa panliligaw hindi niya gagamitin ang pagiging singer.

“It’s actually funny because as a singer, hindi ako yung nanliligaw through songs. Which is ironic I would say.”

Type ko sa isang babae yung simple lang talaga and someone I can relate to , someone I can vibe with and ayoko ng sabihin yung hindi siya high maintenance.”

“Siguro that is incorporated in being a simple girl pero of course besides that, God-fearing and someone who respects my family, my parents, and all of that,” paliwanag ni Darren.

Dagdag pa ni Darren, “I’m really being honest right now. Wala naman akong nililigawan ngayon and I would court parents first then ask if it’s okay.

“Dapat una mong ligawan yung mga magulang bago siya. Kasi okay lang naman na mag usap-usap kayo from time to time. Be friends and all that.

“But if you’re really going to take things seriously, start with the parents and make sure that they’re okay with everything that you are doing in your intentions for their daughter,” sabi ni Darren.


“Minsan dahil sa relationships lang, eh. It can be a personal life mo, it can be through a movie na nararamdaman mo talaga yung performance na tagos nung actor, it can be even from a song.

Source: ABS CBN