Muling nagpasabog na naman sa kilig at good vibes ang couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa kanilang inilabas na pre-wedding video nitong October 14 lang. 

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang nasabing video kung saan ipinagmalaki ng future husband and wife ang abot-langit na pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Maraming nagsasabi ng "sana all" sa 59-second video clip nina Derek at Ellen na kuha ng videographer na si Bob Nicolas.

Sa video, mapapanood ang couple na sintamis ng langgam habang nasa tuktok ng bundok habang palubog na ang araw. 

Sa isang bahagi ng video ay talagang naghalikan pa ang dalawa na tila bang sila lamang ang tao sa mundo. Kitang-kita rin sa itsura ng dalawa na super in love talaga sila sa isa’t isa, lalo ang malalagkit nilang mga tinginan. 

Maraming mga netizen ang nag komento na feeling "Adan at Eva" raw ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanilang prenup video.

“This video captures exactly how I feel for my beautiful wife to be. Love you @maria.elena.adarna,” ang caption ni Derek sa nasabing video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi rin ni Ellen ang teaser ng kanilang video sa IG niya na may nakasulat na, “I do love you.”

Nauna na ring mag-share ang engaged couple sa Instagram sa kanilang road trip-themed prenup photos na kuha ng isang wedding photographer na si Pat Dy.

Wala pang inilalabas na detalye sina Ellen at Derek kung saan at kailan magaganap ang kanilang kasal pero may mga chika na sa darating na November na ito mangyayari.



Nagpiyesta ang buong online community matapos ang agarang relasyon nila ni Derek at ng bagong girlfriend na si Ellen Adarna. 

Ngunit sa isang panayam ng aktor, sinabi niya na muntik na raw siyang hindi magpropose kay Ellen Adarna. 

Bago ang araw ng proposal, maraming mga problema ang kinakaharap ni Derek at ang isa sa  pinakamalaking problema ang kinakaharap ni Derek ay ang pagkawala mismo ng ring na gagamitin sa pag propose kay Ellen. 

“A day before the actual proposal, the shop I commissioned for the ring said they couldn’t locate it,” sabi ni Derek. 

“I was trying to put on a smile na maganda, but at the same time I wanna ‘hurt' somebody."

“So there I was just sitting there, so stressed, and then my phone rings and it the girl from the shop who told me ‘sir, its all right. I deliver the ring to you personally tomorrow morning," dagdag pa niya. 


“I was calling everyone and saying it’s on, it’s on, it’s on! I was so stressed!”

Maalalang sinabi din nila sa publiko ang kanilang planong pagpapakasal sa madaling panahon. Sinabi ni Ellen na gusto lang niya ng simpleng kasal ngunit binawi rin niya ito kalaunan sa isang interview.

Si Derek Ramsay ay isang sikat na aktor at ang pinaka hinahangaang leading man sa industriya. Marami na rin siyang mga pelikula na pinagbibidahan at naging patok din sa mga manonood. 

Source: instagram