Diretsahang iniantad ng isa mga sikat na kolumnistang si Cristy Fermin ang mga ginawa ni Direk Bobet Vidanes habang siya pa ang direktor ng sikat na noontime show na Kapamilya ng “It’s Showtime.”

“Itinataya ko po ang pangalan ko rito kasi sa akin po nag-text ang mga dati niyang kasama at ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan.

“Ito, bibigyan kita ng sampol, Rommel, para magising nang kaunti itong may kaangasang direktor na ito.

“Mayroong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi ang bobo ni Vhong Navarro. Si Vice naman, basura talaga ang ugali ng bakla. Naririnig ‘yon ng mga cameramen sa headset. Wag siyang magsinungaling,” kuwento ni Cristy.

Sabi pa ni Cristy, hindi raw pwedeng magsinungaling si Direk Bobet dahil naririnig siya ng mga tao sa production. 

Dagdag pa niya, hindi umano siya naniniwala na hindi pera ang dahilan ng paglipat ng nasabing direktor sa kabilang bakod, iginigiit talaga niya na ito ang posibleng dahilan ng kanyang paglipat.

May dalawa raw kasing co-hosts na tila pinagmalakihan pa umano ng direktor ang kanyang ibinigay na offer sa kanya sa kabilang network. 

“Nandoon pa siya sa Showtime, nakikipag-usap na siya doon sa lulundugan niyang produksyon. Anong tawag mo doon, di ba? Hindi pa man naililibing ‘yung namamatay, nakaburol pa lang, iniiwan na. Parang ganon,” sey pa ni Cristy.

Aniya, dapat raw nag-iingat si Direk Bobet at hindi na lang nagsalita umano tungkol sa isyu na matagal nang nakabaon sa ataul. 

“Walang lihim na hindi nabubunyag. Lalabas rin ang katotohanan,” hirit pa ni Nay Cristy.


“Pag nagsasama ang mga nakarinig pati ang mga hosts ng Showtime, dikdik na dikdik talaga siya,” sey naman ni Rommel.

Nabanggit naman ni Nay Cristy si Vice Ganda na kasalukuyang nasa Amerika dahil sa kaniyang concert.

“Pagbalik ni Vice, hintayin po natin kung ano naman ang kaniyang saloobin sa pag-iyak na luhang buwaya nitong si Direk Bobet Vidanes. Tignan natin,” saad pa ni Nay Cristy.

Matatandaang, naging mainit na usapan na naman ngayon ang pinalabas ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog tungkol sa reaksyon niya umano sa recent statement ni Direk Bobet.

Sa recent vlog ni Ogie, napag-usapan nila ni Mama Loi ang mga rumors tungkol sa pagiging host ni Kim Chiu sa It's Showtime na hindi umano alam ni Direk Bobet.

“Gaano kayang katotoo na isa sa last row daw na tinatawag kung bakit siya nagdesisyon na lumipat ay na-bypass siya dahil kung kailan nag-eere na, doon lang niya nalaman na may bagong host 'yung 'It's Showtime',” sinabi ni Mama Loi kay Ogie.

"Ah si Kim Chiu nga daw 'yung tinutukoy. Oh, 'yun ang hindi naman natin alam. Sila-sila na nagkakaalaman niyan para manghimasok pa tayo diyan at magbigay ng sariling opinyon,” sabi ni Ogie Diaz.

“Dapat lang din talaga na alam ni Direk Bobet 'yung kay Kim Chiu, 'yung pagpasok ni Kim Chiu – kung paniniwalaan natin 'yung sinasabi ni Direk Bobet ah, na hindi niya alam 'yung pagpasok ng bagong host, 'di ba?” dagdag pa niya.

Ayon sa mga ulat, minsan na rin sinabi ni Direktor Bobet na umalis umano siya sa "It's Showtime" dahil hindi na ito 'healthy' para sa kanya.


Matatandaang, marami ang nagtaka sa pagkawala ni Kim Chiu sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime at pilit inaalam ng mga netizen ang dahilan sa likod ng pagkatanggal at pagkaalis ng aktres.

September 28, 2020, opisyal na nakasama ng It's Showtime barkada ang Chinita Princess na si Kim Chiu bilang isa sa mga hosts. Dati, makailang beses na ring napanood ng mga madlang pipol si Kim Chiu sa noontime show bilang isa sa mga guests.

Bilang isang guest, marami sa mga Showtime barkada at pati na rin sa mga manonood na isama ang aktres bilang isa sa mga hosts dahil. Kakaibang energy at good vibes ang hatid umano ng aktres sa mga viewers.

Source: bandera