Matapos inilabas sa publiko ni Alex Gonzaga ang kanyang pregnancy journey, hindi napigilan ng dalawang aktres na mapaiyak sa ibinahagi ni Alex. 

Inilabas niya ito linggo matapos inamin niya na nag suffer siya sa nangyaring miscarriage. 

“Sana makatulong itong vlog namin na kahit masakit, there will come a time na one day, mako-cover siya ng Panginoon ng joy na ipapalit niya doon. 

Everyday, nagkakaroon kami lagi ng bigger hopes, napapalitan ng saya 'yung nararamdaman namin and that is really the grace of God,” sabi ni Alex. 

Mapapansin na sa comment section, labis na nag-alala at nagpakita ng kanilang pagsuporta sina Ivana Alawi at Jessy Mendiola kay Alex. 

“In God's perfect time! We love you,” komento ni Ivana na may nakalagay pang mga heart emojis. 

“Naiyak ako… yakap sa inyong dalawa..Isaiah 60:22. God will make it happen sa tamang panahon. Mahal namin ni Lu kayong dalawa! Stay strong and we will pray for your healing!" sabi naman ni Jessy. 

Matatandaang, Isang nag viral na patutsada noon ng isa sa mga kilalang hosts na si Cristy Fermin matapos magbigay ng kanyang prangkang komentaryo tungkol kay Councilor Mikee Morada.

Nagbigay siya ng kanyang reaksyon tungkol sa isyu kung saan involve sina Lolit Solis at ang husband umano ni Alex Gonzaga.

Nitong October 13 lang, sa isang episode ng kanyang show na Cristy Ferminute, sinupalpal niya ang naging reply ni Mikee sa post ni Lolit na kung saan sinabi niya na nagkaroon ng miscarriage ang kanyang asawa na si Alex.


Naniniwala si Cristy Fermin na walang mali si Lolit sa kanyang naging post. 

“Sa ginawa ni Manay Lolit kahit anino ng libelo, wala, 'di ba? Napakaganda ng kanyang sinabi. Nag-wish pa siya ng maganda para sa mag-asawa, ‘di ba?" sabi ni Cristy.

Nagbigay na rin ng mensahe si Nanay Cristy para kay Councilor Mikee Morada:

"Ano ba naman si Konsehal Mikee, ano na ba itong pinaggagawa mo? Mukha yatang gusto mo na ring mag-showbiz. Ako ang sagutin mo ngayon ng ganitong pailalim. 

Sagutin mo ako ng sarkastiko. Ako ang sabihan mo ngayon sa pagkukwestiyon ko sa'yo kung bakit patola ka na. Ano, nahawa ka na sa asawa mo? Na isang artista, gusto mo na mag-showbiz?

Alam mo, napakamaldito nitong ano mo. Kunwari lang gumamit ka ng 'po', 'opo' pero sarkastiko ito. Lalo na 'yung sinabi mong, 'Wag kayong gumagawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo't hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari,"pahayag ni Nanay Cristy.


Kilala si Alex bilang isa sa mga sikat na vloggers at aktres sa bansa. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nagbigay na rin ng mensahe si Nanay Cristy kay Alex at sinabi niya na alam niya na ang mga Gonzaga sisters ay mga celebrities at alam na nilang dalawa ang mundo na kanilang pinasok.

Humingi na rin ng tawad si Lolit Solis matapos niyang ipost ang alleged miscarriage ng aktres. Humingi na rin siya ng tawad sa couple at maging sa fans ng dalawa. 

Nilinaw ni Lolit Solis na wala siyang masamang intensyon at wala siyang balak din na i-offend ang couple.

Panoorin ang buong video dito!