Isa sa mga pinakamagandang araw na mangyari sa buhay ng tao ay ang araw na kung saan ang tuluyang pag-iisang dibdib ng mga taong nagmamahalan na kung saan din ay dito sila mangangako sa isa’t isa na handa ang isa’t isa na harapin ang bawat pagsubok sa buhay. 

Maraming mga tao ang naghahangad na kung darating man ang araw na ito ay nais ng lahat na ito ay magiging araw na pinaka “memorable” sa buong buhay nila.

Sa post na ibinahagi ng ng isang make-up artist sa kanyang official Facebook page, magarbo niyang ibinida ang dalawang newly wed couple na kung saan nagmistulang nakasuot ng kapa dahil sa perang nakuha sa kanilang “money dance.”

Sa Facebook ng isa na rin sa mga kilalang make-up artist na si Edward Pascual, ibinahagi niya ang photo ng couple na tila nagmumukhang “superhero” dahil sa kanilang mga perang kapa na suot. 

Sa kanyang Facebook post, sinabi niyang galante daw sa “Money Dance” ang couple na ito dahil hindi lang naman makapaniwala ang make-up artist dahil ang lahat ng kanilang nakuha sa “Money Dance” ay tumataginting lang naman na Php 1.6 milyon.

Ayon sa post ng make-up artist, ang nasabing newly wed couple ay taga Quezon Province. Ika ng marami, basta taga Quezon Province daw ay mga mayayaman at galante.

Maraming mga netizen ang napasabing “sana all” sa nakitang post na kumakalat na ngayon sa social media. Hindi na rin napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang mga komento sa nasabing post.


Heto ang ilan sa mga nakaka-good vibes na komento ng mga netizen na ipinapakita na rin ang kanilang suporta sa newly wed couple:

“pagpalain nawa ng panginoon ang inyong marriage life. .ganyan din sana ka dami ang respito,pag unawa,sakripisyo,at pagmamahal ninyo hanggang sa huli. .congratulations ❤”

“Congrats to the newly wed! May pangbusiness at pang invest na agad ang newly wed. Baka gusto nio invest sa PruMil 😅 stay safe!”

“Sana all muna ko sa ngayon haahahah LF TAGA QC . Hahahhaa pero nasa ilocos norte yung future husband ko busy pa sya walang time sakin lagi hahahahah. #sandromarcos labas babe hahahahhaa.”

Kung may ganitong kasaya na kasalan, matatandaan rin noon, na maraming mga netizen ang nalungkot sa nag viral na video ng isang bride na umiiyak suot ang kanyang wedding gown matapos niloko siya ng kanyang wedding coordinator. 

Ang nasabing bride ay hindi idene-disclose ang kanyang pangalan. Ang babaeng nasa video ay taga Minglanilla, Cebu.

Na-iscam umano ang bride sa kinuha niyang wedding coordinator na kilala sa pangalang Naser Fuentes.

Ayon sa nasabing post, ang akala nila na inayos na ng kanilang wedding coordinator ang reception, ngunit, walang reception na naganap pagkatapos ng kasal.

Ayon din sa post ng videographer ng ng kasal na si Jesson Argabio Jes, sinabi niyang first time niyang maka-witness ng ganitong klaseng scam.

"Ang event naman ngayon ay scam, first time ko talaga ito. Quits lahat," ani ng videographer. 

Nagpakita pa nga umano ang wedding coordinator sa kasal, ngunit bigla rin itong nawala at hindi na raw ma-contact pagkatapos.

Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa venue kung saan nandoon ang pinagkasunduang lugar ng reception. Ngunit, close umano ang nasabing venue.

Ayon sa tao na in-charge sa venue, walang event na naka-book doon para sa kanilang reception. Wala rin daw pagkain at decors. Sa madaling salita, wala lahat.


Totoong na-iscam umano ang couple dahil fully paid na ang mismong wedding package. Lahat ng suppliers ay hindi rin binayaran dahil hindi pa sila nabigyan ng kanilang coordinator. 

Mula sa make-up artists, photo and venue, wala silang nakuhang bayad dahil na-scam sila ng wedding coordinator.

Panoorin ang buong video dito