Sa panahon ng pandemya, maraming mga tao ang labis na naapektuhan. Sa panahong ito, marami ang naghihirap dahil sa hindi magandang epekto dulot ng pandemyang ito. 

Kung may mga tao mang naapektuhan sa panahon ng pandemya, hindi lamang ang mga tao na dati ng naghirap bago pa ang pandemya, kundi pati na rin ang mga taong dating may trabaho, ngunit, nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa krisis.

Isa ang isang singer at aktor na ito sa mga taong labis na nagbago ang takbo ng buhay nang dahil sa pandemya. 

Sa isang YouTube video ni Ogie Diaz, may isa siyang singer na nakapanayam at hindi umano lubos maisip ng marami na magkakaganito na ang sitwasyon ng nasabing singer.

Sa panayam na ito, tinanong ni Ogie si Michael Yonting o mas kilala bilang Mitoy kung ano na ang pinagkakaabalahan ng singer ngayon. 

Ogie: Ano na ang pinagkakaabalahan mo, so ano yan nanghingi ka ng gcash?

"Yung 95% ng raket nawala talaga, as in wala. To earn money, mangho-hold up ako talaga. Pera ang iniiyakan ko eh," sagot ni Mitoy.

Ang pinagkakaabalahan ngayon ng singer ay kapag walang raket, gumagawa siya ng kanyang Facebook live. Nilinaw naman ni Mitoy na hindi siya nanghihingi ng gcash.

Kahit may nag o-offer sa kanya, hindi naman iyon lang ang kanyang pakay. May mga nagse-send ng stars sa kanya at na mo-monetize na rin yun. 


"Hindi po ako tumatanggap ng ganyang offer, dahil hindi po akin 'tong mga ginagamit kong kanta," paglilinaw ni Mitoy.

Sinabi naman niya na kapag sa mga bars siya nagpe-perform, doon talaga siya mangho-hold up o tatanggap talaga ng pera.

Inamin din minsan ni Mitoy na nagkaroon din siya ng mental health problem sa panahon ng pandemic. Kahit sa kanyang pagiging positive, hindi pa rin niya maipagkakaila na bilang isang tao, sinusubok din siya ng mga problema.

"Nakakalungkot isipin na meron kang pera. Nagkapera ako ng ganun karami. Pero, at the back of my mind, para kanino 'to," pahiwatig ni Mitoy.

Tinanong siya ni Ogie na kung may pagbibilhin siya ng pera niya ano ang bagay na gusto niyang bilhin.

"Miracle ang bibilhin ko. Para yung mga mahahalagang bahay sa buhay mo pwede mong balikan, o baka pwedeng pamasahe 'yon papunta roon para mapuntahan mo, para magkita kayo ulit," sagot ni Mitoy.


Sa ngayon, may negosyo na si Mitoy at ang kanyang misis na milktea na pinangalanang, The KRT MILKTEA TRUCK.

Ayon pa kay Mitoy, siya mismo ang nagda-drive nito at misis naman niya ang taga timpla ng milktea.

Dagdag pa ng singer, sa panahon ng pandemya, nararapat lang din na meron kang mga sarili mong mga strategies lalong lalo na sa ganitong mga panahon.

Si Michael Yonting o mas kilala bilang Mitoy ay siyang unang itinanghal na Grand Champion sa The Voice noong 2013.

Bumida na rin siya sa ilang mga teleserye gaya ng palabas noon na "Home Sweet Home."

Panoorin ang buong video dito!