Isa sa mga problema ng ating bansa ngayon ay ang patuloy na pagtaas ng porsyento ng mga kabataan na kabilang sa tinatawag na "teenage pregnancy."

Dulot ng pandemya, mas lalo pang dumarami ang bilang ng mga kabataan na na naging biktima umano ng problemang ito.

Dahil na rin sa kulang pa sa kaalaman at awareness sa nasabing isyu na ito, marami sa ating mga kabataan ang nahulog sa bitag.

Isa sa mga problema na kinakaharap natin ngayon ay ang patuloy na paglawak ng ating populasyon na maaaring resulta ng teenage pregnancy. 

Maraming mga kabataan ang hindi pa alam kung paano ang tamang parenting at ang ilan pa sa mga kabataan ay hindi masyadong ginagampanan ang kanilang responsibilidad.

Ngunit, sa kwentong ito na nag viral sa Facebook, kakaiba ang ibinahaging post ng isang babae sa kanyang Facebook account. 


Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na babae ang umagaw ng mga atensyon ng mga madla sa Facebook matapos nag post siya ng kakaiba sa kanyang Facebook account. 

Sa kanyang post, sinabi niya na gusto niyang maging pregnant ng kahit sinong lalaki na makakagawa niyan sa kanya at willing siya magbayad ng Php 20,000.

Ang babae ay kinilalang si Rosemarie Catidral at nagpakilala sa alias na Shane Marie Gamboa. Ayon sa Pinoy Trending, anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Dubai.

Sabi niya sa kanyang post, gusto niyang maging pregnant sa oras na makauwi na siya ng Pilipinas. Ngayon, naghahanap pa siya ng lalaki na tatanggapin ang kanyang deal.

Sinabi niya na gusto niya ang isang 'good-looking guy' para maging maganda rin ang kanyang baby. Willing siyang magbayad ang Php 20,000.

Ipinaliwanag din na "no strings attached" umano ang maging sitwasyon ng dalawa. Handa siyang magbayad ng $445.

Maraming mga netizen ang nagulat sa nasabing post umano ng babae. Marami ang mga nagsasabi na kakaiba talaga ang post ng babae na ito.


Ang ilan sa mga komento ay nagsasabi na maraming mga babae ang naghahangad umano ng lalaking mamahalin sila kung sino sila.

Ngunit nang makita ang post na ito, panibago umano sa kanila ang nasabing post ng babae. Ika din ng marami, marahil may malalim na dahilan ang babae kung bakit niya na-post ito. 

Source: etechking