Trending ngayon ang isang aktor matapos hindi na maitago ang kanyang pagka sabik sa pagdating ng kanyang unang anak.

Malapit na kasing isilang ang kanilang anak na babae ng kanyang girlfriend na dating Wowowin dancer na si Jazmin Chinnei.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Coleta ang isang retrato kung saan kita sila ni Chinnei na hawak ang sonogram ng kanilang anak.

"Mahal na mahal ko kayo ni Jazmin alam mo na 'yun... gagawin ko lahat para sa inyo," ani Coleta na nauna na ring nagbahagi ng mga retrato mula sa maternity shoot ni Chinnei.

“Happy 9th month to us… mahal na mahal ko kayo ni Jazmin alam mon a yun… gagawin ko lahat para sa inyo," dagdag pa niya.

Makikita rin sa nasabing larawan na magkasama sina Neil at partner niyang si Jazmin, habang parehong hawak ang sonogram ng kanilang magiging unang anak.

Samantala, sa social media naman ni Jazmin Chinnei ay ibinahagi rin nito ang parehong larawan at nilakipan ng mensahe ng pagbati para sa karelasyong aktor.

“I want to be with you ‘til my last page”, saad ng ani Jazmin Chinnei.

Matatandaan, nito lamang Hunyo nang ibahagi ng magkasintahan na babae ang kanilang magiging anak.

Nakilala si Coleta sa kanyang mga pagganap sa mga serye ng ABS-CBN tulad ng "100 Days to Heaven," "Juan Dela Cruz" at "FPJ's Ang Probinsyano."

Pero mas lalong tumingkad ang kanyang career sa isang iced tea endorsement na naging daan upang mabigyan siya ng malalaking projects sa ABS-CBN.


Ayon sa mga ulat, laking pasasalamat niya umano dahil sa mainit at malugod na pagtanggap ng mga Kapamilya stars sa kanya.

“Nakalimang shows na ako—100 Days To Heaven, Aryana, Growing Up, Juan dela Cruz, at Dyesebel.

“Pero yung Juan dela Cruz yung pinakaano ko... yun yung pinaka-naging break ko.

"Mas nakilala ako dun kasi tandem kami ni Coco Martin, e."

Nakausap ng PEP si Neil sa idinaos na 1stAi-Ai Badminton Cup noong November 8, na ginanap sa Asuncion Badminton Center, sa San Juan City.

Maalalang, sinagot na ni Neil ang tanong na kung saan maraming mga tao ang nagtaka kung bakit mga gay roles ang palaging ibinibigay sa kanya. 

Nilinaw naman ni Niel na hindi siya bakla. Sadyang bagay lang siguro sa kanya ang mag bading-badingan sa mga pelikula. 


Sabi pa niya, “Napanood niyo ba yung I Do Bidoo Bidoo?

"Gay role ako dun, 'tapos dito sa new film, gay role din."

Sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo, ginampanan ni Neil ang role ni Brent, isang closeted gay man na may lihim na pag-ibig sa best friend niyang si Sam Concepcion.

Dagdag pa niya, “Pero nilihis ko naman, kasi nanalo ako ng award dun sa I Do Bidoo Bidoo na Best New Movie Actor.

“Dito sa new movie, gay role ulit, pero hindi naman sobrang closet. Para sa Cinema One Originals. Pagbibidahan ito nina JM de Guzman at Edgar Allan Guzman." 

Ayaw pang banggitin ni Neil kung ano ang title ng movie dahil bawal pa raw [noon].