Kamakailan lang ay pinag-usapan noon ang isa sa mga hinahangaang aktres na si Ivana Alawi matapos nakitang magkasama umano sila ni Marco Gumabao sa isang party.

Nilinaw ng aktres ngayon sa publiko ang tungkol sa video na kumalat noon sa social media. Sa kanyang Q and A sa Kumu app, sinabi niya na walang namamagitan sa kanila ni Marco. 

"Wala, huy! Totoo talaga [na] kapag may jowa ako, sasabihan ko kayo," aniya.

"No, no, and no. Never kaming nagkaroon ng kahit anong relasyon, romantic, wala," aniya.

Nilinaw din ni Alawi ang lumabas na retrato at video nila ni Gumabao na magkasama sa isang pagtitipon.

"Hindi lang naman date 'yon na kaming dalawa. We're friends, I was also with other friends, and nasa bahay kami ng friend ko. Wala, as friends lang talaga. There's nothing, hindi kami. Wala," aniya.

"Para lang klaro sa lahat, wala."

Nang matanong naman ang nakitang paghawak ni Gumabao sa kanyang hita, sinagot naman ito ni Ivana. 

"Alam niyo guys, wala akong malisya. Kasi kahit sa mga friend ko, lahat sila yumayakap sa akin. Walang hipo-hipo. Wala 'yon sa akin."


"Basta hindi niya mahawakan 'yung those parts, that's a no. Baka masampal ko siya on the spot," dagdag niya.

Kamakailan lang,  isang nag viral na video, kitang kita ang aktor na si Marco Gumabao at ang aktres na si Ivana Alawi sa isang party kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Sa kumalat na video, makikita na masayang-masaya ang dalawa sa naganap na party. Naaktuhan din na kumakanta si Ivana Alawi sa nasabing party.

Nakuhanan din sa camera ang aktong paghawak ni Marco sa h*ta ni Ivana habang kumakanta ang aktres. At naghiwayan naman ang iba pa nilang mga kasama.


Samantala, sa nasabi ring Q&A, sinagot ni Alawi kung may pag-asa ba ang aktor na si Joshua Garcia sakaling manligaw ito sa kanya.

"Lahat naman, hindi ba? Lagi kong sinasabi, lahat may pag-asa," aniya.

Matatandaang sa nakaraang vlog ni Alawi ay inamin nito ang paghanga sa aktor.

Source: ABS CBN