Isa sa mga kilalang aktor sa industriya ay si Jeric Raval na kilala rin sa kanyang mga action roles. Nagsimula siyang pumasok sa showbiz noong 90's.

Mas nakilala si Jeric sa kanyang trademark na leather jacket, leather pants at shiny hair. Dahil sa ganitong trademark, mas tinangkilik siya ng mga tao.

Lumabas na siya sa ilang mga action-packed films at mga television series mula 1991-2002. Kasali din siya sa mga casts ng "FPJ'S Ang Probinsyano" bilang si Gener Guinto.

Kamakailan lang, isang video ang kumalat sa social media matapos nakunan ng video si Jeric kung ano ang kanyang ginawa habang nakasakay sa train.

Ang nasabing video clip ay naibahagi na rin sa isang "YouTube channel" ng "Showbiz Star Meter." Maraming mga netizen ang nakuha ang atensyon ng nasabing video.

Sa video, makikita na nag offer umano si Jeric ng seat sa isang babae na nakatayo. Nakaupo si Jeric at nang makita niya ang babae, tumayo siya at ibinigay ang kanyang upuan. 

Kamakailan lang ay Inamin ng dating action star na si Jeric Raval na personal na sinabi sa kanya ni Aljur Abrenica na nanliligaw ito sa anak niyang si AJ Raval.


Ayon sa ulat ng PEP na inilabas nitong Biyernes, tatlong bagay ang tinanong ni Jeric kay Aljur.

“Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko. Doon ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya.

Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.' Second, kung 'ikaw ba ay hiwalay na?' Third, 'Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?'" ani Jeric.

Paliwanag ni Jeric, itinanong niya ang mga bagay na 'yon dahil batid niyang anak ng kanyang kaibigang si Robin Padilla ang asawa ni Aljur na si Kylie Padilla.

“Magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko," ani Jeric.

“Sabi ko pa sa kanya, 'I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.' Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan,'" dagdag ni Jeric.


Maalalang, pinainit ng isang aktres ang social media na si AJ Raval matapos ang kanyang viral na viral na vlog na tungkol sa isang car wash. Pansin na pansin ang kanyang white sexy dress habang klarong klaro ang kanyang undies.

Inamin naman ng ama ni AJ na si Jeric Raval na hindi niya gusto ang ipinapakita ng kanyang anak sa social media. Ngunit, suportado pa rin niya ang kanyang anak dahil alam niyang dito sasaya si AJ. At bilang ama, siya ang nagsilbing gabay ng kanyang anak sa mga ginagawa nito. 

Source: etechking