Hanggang ngayon, hindi pa rin matapos tapos ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica at patuloy pang inaalam ang dahilan ng hiwalayan nila. 

Magmula nang kumpirmahin ni Robin Padilla sa vlog ni Ogie Diaz na hiwalay na ang anak na si Kylie kay Aljur dahil sa “third party”, maraming pangalan ang naglabasan na posibleng dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa recent Instagram post ni Kylie, kung saan makikita siyang nasa field at may nakalagay na caption na, "Beth's shoes are so heavy."

May isang netizen ang nag komento “Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo?"

Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa you patu mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh salamat po,” ang comment ng netizen.

Agad namang pinabulaanan ni Kylie ang mga ito at sinagot ang netizen ng, “Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true.”

Kinuyog naman ng mga tagasuporta ni Kylie ang nasabing netizen.

“C kylie nakipaghiwalay ay Aljur, maybe napuno na c kylie sa mga pang loloko ni aljur sknya. bt kapa mag stay kung p ulit2x nlang ginagawa sayo ng tao. maliit lng ang buhay ng tao kaya wag sayangin ang oras mo sa taong toxic.”


“Ghurl watch ur word dummy acct kaman mate trace ka parin baka dimo alam pwd kang makasuhan as cyberbullying ans tagapakalat ng fakenews. ghurl linisin mo muna bakuran mo bago sa iba. 

We dont know the real story behind them even 1/4 of it. Gets? Matanong ko nga magkadikit ba kau ni kylie at alam mo lahat ng galaw?? My God wake up girl!! is that ur purpose for being here in the earth?? To spread false news (no solid evidence)?” dagdag pa ng netizen. 

“It’s shocking that u even believe him despite his reputation? All the stuff he said are ridiculous and false.”

Kagabi lang ay nag viral agad sa social media ang mismong post ni Aljur sa kanyang official Facebook account tungkol sa totoong dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla.

Sa official Facebook account ni Aljur, nagsalita na si Aljur tungkol umano sa kung ano ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila.

Sa kanyang post, sinabi niya na kailangan ng magsalita ni Kylie sa madla tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Sinabi niya na hindi na kailangan pang itago ni Kylie ang katotohanan para sa kanyang sariling kapakanan lang. 


"Kylie please tell them the truth," post ni Aljur sa kanyang official Facebook account. 

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know," dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, deserve ng lahat ng mga tao na malaman kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng kanilang hiwalayan. 

Source: bandera