Matapos ang one-on-one interview ni Jessica Soho kay Kylie Padilla sa kanyang programa na Kapuso Mo, Jessica Soho, agad na nagbigay ng komento si Cristy Fermin tungkol dito. 

Ang trending na interview na ito ay ang naging topic ni Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy Ferminute. Dito niya ibinahagi kung ano ang kanyang napansin sa interview ni Kylie.

Ayon kay Cristy, parang nagsisinungaling umano si Kylie nang sinabi niya na mabuti lang siya sa kanyang nararamdaman ngayon. 

Hindi umano kumbinsido ang nasabing host sa mga sagot ni Kylie kay Jessica noong tinanong na siya tungkol sa kanilang hiwalayan ni Aljur.

“Hindi po siya seryoso sa kanyang pakikipag-usap kay Jessica Soho. Sabi nga ni Jessica, 'Sa lahat naman ng mga babaeng nasaktan, parang ikaw lang yata 'yung hindi naman masyadong problemado at hindi malungkot.

Sabi siya nang sabi na, 'Yeah, I'm happy, I'm good. Yeah, my kids are happy, they're okay,' pero kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya," ani ni Cristy.

Sinabi ni Cristy na maaring magsinungaling ang isang tao, ngunit sa mata mo makikita kung nagsisinungaling ba siya o hindi. 

“Pwede pong magsinungaling ang ating bibig, ang ating kilos, pero kapag tiningnan po natin ang mata ng isang nasasalita, 'yung po ang naglalantad ng tunay niyang damdamin. At kagabi, kitang-kita natin na napakalungkot ng mga mata ni Kylie," dagdag pa nito.

Matatandaan, sa isa pa niyang episode, sa kanyang programa na “Cristy Ferminute,” naging paksa  ni Cristy ang totoong dahilan sa hiwalayan nila ni Kylie at Aljur Abrenica.

“Kung natatandaan niyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden,” paglalahad ni Cristy.



Ayon sa kanyang source ay kahit madaling araw na daw ay may ibang kausap pa din si Kylie sa telepono.

“Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano’n-gano’n, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay.”

“Merong nagaganap sa kabila ng sila pa ang magkasama,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang din ay naglabas na ng statement si Aljur sa kanyang  official Facebook account. Nagsalita na si Aljur tungkol umano sa kung ano ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila.

Sa kanyang post, sinabi niya na kailangan ng magsalita ni Kylie sa madla tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Sinabi niya na hindi na kailangan pang itago ni Kylie ang katotohanan para sa kanyang sariling kapakanan lang. 


"Kylie please tell them the truth," post ni Aljur sa kanyang official Facebook account. 

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know," dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, deserve ng lahat ng mga tao na malaman kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng kanilang hiwalayan. 

Source: KAMI