Matapos ang nag viral na post ni Aljur Abrenica sa kayang official Facebook account na tungkol umano sa dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie, isang tweet ang ibinahagi ni Kylie. 

Tila mas lalong naging mainit umano ang isyung ito matapos magsalita si Aljur tungkol sa patuloy na pinag-uusapang isyu.

Dahil sa naging post ni Aljur, napa-tweet na lang umano si Kylie ng #passdivorcebill sa kanyang official Twitter account. 

Ito ay nangyari matapos ang ilang oras lang matapos mag post si Aljur ng kanyang statement na kung saan hinahamon niya sa Kylie na magsalita na sa katotohanan.

Nabanggit ng aktor na hindi na siya nagsalita dahil sa kanilang napagkasunduan sa kabila ng aniya'y one sided na kwentong nilabas ng ama ni Kylie. 

Kahapon lamang, sa official Facebook account ni Aljur, nagsalita na si Aljur tungkol umano sa kung ano ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila.

Sa kanyang post, sinabi niya na kailangan ng magsalita ni Kylie sa madla tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Sinabi niya na hindi na kailangan pang itago ni Kylie ang katotohanan para sa kanyang sariling kapakanan lang. 

"Kylie please tell them the truth," post ni Aljur sa kanyang official Facebook account. 

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know," dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, deserve ng lahat ng mga tao na malaman kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng kanilang hiwalayan. 


Nabanggit rin ni Aljur na sa panahong nag open up si Robin Padilla, tatay ni Kylie, naging one-sided umano ang kanyang dating sa publiko.

Ngunit ang lahat ng ito daw ay tinaggap lang ni Aljur at mas pinili na lang niyang manahimik sa mga oras na iyon. 

"When your dad (robin) opened to the public his one sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading your statements it breaks my heart that you can sit still despite the truth," paliwanag ni Aljur. 

"Tell them who cheated first. Tell them who you are with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth," aniya. 

Matatandaan, sa isang nag trending na post, inamin ni Kylie na nami-miss niya umano ang buhay dalaga lalong lalo na ang mga night-out with friends.

Kinuha raw ni Aljur ang kanilang anak at mas pinili na lamang manahimik sa isyu nilang dalawa ng kanyang asawa. 

Ayon pa dito, si Kylie ngayon ay namuhay na lang mag-isa at pabisita-bisita na lang sa anak niya doon sa parents ni Aljur. 

Kaya nga raw todo na magagandang mga salita ang mga binitawan ni Kylie dahil ayaw umano mabulgar ni Kylie na siya ang unang mag cheat sa kanilang dalawa. 


Source: KAMI