Marami ang nagulat at hindi makapaniwala sa balitang ito na kumalat kamakailan lang kung saan, naiulat ang tungkol sa ginawa umanong pagpapakasal ng isang lalaki sa Indonesia sa isang RICE COOKER! 

Hindi babae kundi sa isang rice cooker napiling magpakasal ng lalaking ito. Mas pinili nito na makapiling habangbuhay ang isang rice cooker at maging katuwang nito bilang kanyang maybahay. Kung totoo at kung paano ito nangyari ay marami rin ang nagtatanong.

Ayon sa ulat, nangako pa raw ang lalaki na mamahalin ang naturang rice cooker hanggang sa hindi na ito gumagana. Sa Twitter, agad kumalat ang mga larawan ng naganap na kasalang iyon. Puti ang suot ng lalaki habang hawak ang puting rice cooker na nakasuot pa ng puting belo. Sa isang larawan pa nga nito ay makikitang hinalikan niya ang hawak na rice cooker.

Mukha ring legal ang naganap na kasalan dahil makikita ito na mayroong pinipirmahang mga papel sa seremonya. Nakilala naman ang Indonesian man na ito bilang si Khoirul Anam. Sa isang Facebook post, isinaad pa ni Anam ang mga rason kung bakit nito pinakasalan ang rice cooker.

“Fair, obedient, loving and good at cooking,” pagbibigay dahilan pa ni Anam.

Kung totoo at legal man umano ang naturang kasalanan, marami ang nagsasabi na hindi pa rin ito matuturing na tama. Ayon sa naturang mga netizens, kailangan umano ng lalaki ng seryosong atensyong medikal lalo na para sa kanyang pag-iisip.


Ngunit, ang katotohanan talaga raw ay ginawa lamang iyon ni Anam upang magbigay aliw at kasiyahan sa mga tao sa social media. Lumalabas, si Anam pala ay isang sikat na personalidad sa Indonesia at kilala sa kanyang mga ginagawang pagpapasaya sa kanyang mga followers.

Sa katunayan, matapos ang animo’y pagpapakasal niya sa naturang rice cooker, matapos lamang ang apat na araw ay inanunsyo ulit ni Anam na maghihiwalay na sila nito dahil pagluluto lamang ng kanin ang kanyang gawin ng asawa niyang rice cooker.

Hindi naman nabigo si Anam sa kanyang layunin na makapagpasaya at makapagbigay ligaya sa mga tao hindi lamang sa Indonesia kundi pati na rin sa mga netizens sa ibang bansa. Agad kasi na naging viral at pinag-usapan ang palabas na ito ni Anam na talaga namang nagbigay aliw sa mga netizens.

Bentang-benta ito sa madla kaya agad din itong umani ng mga nakakatawang reaksyon mula sa mga ito. Heto nga ang ilan lamang sa mga nakakatawang reaksyon na kanilang ibinahagi:

“I wonder how the honeymoon went? Congratulations by the way.”

“Obviously, this is a likely joke created to get imaginary internet points. But, in the slim chance that it is legit, it is not good to wear a significant religious attire as someone might think it's real.”

“He is safe for cheating from the Rice Cooker… #Insane!”


“Don't let him visit the appliance store. He might divorce rice cooker and marry the washing machine. Hoping not with an oven toaster.”

“Am assuming he loves eating rice everyday. A day without rice would be heartbreaking. Wish you and your Rice Cooker happiness and delicious rice.”

Source: facebook