Marami na tayong mga napanood na mga nakakakilig at nakakamanghang mga proposal na naging viral na rin sa social media.

Kakaibang mga pakulo ang ginagawa ng mga nagpo-propose sa kanilang mga iniibig para lamang maging memorable ang araw na ito. 

Ngunit, sa video na ito, kakaibang paraan ang ginawa ng lalaki. Marami ang nalungkot sa kanyang ginawang proposal.

Bigla na lang 'nawalan ng malay' ang groom-to-be na si Ronald Lapinig sa labas ng kanilang bahay sa Malolos, Bulacan. 

Matindi naman ang naging actingan ng mga kapamilya sa ginawang pagsaklolo umano nila kay Ronald. 

Samantala, ang girlfriend umano ni Ronald na si Maricar Reyes, wala umanong kaalam alam sa nangyaring pakulo ng kanyang nobyo. Labis ang kanyang pag-alala sa kanyang boyfriend.

Ngunit, habang pinaypan ni Maricar si Ronald, agad itong lumuhod sa kanyang harapan na may hawak na engagement ring. 


Doon na nagpalakpakan ang lahat at kinilig umano sa pangyayari habang si Maricar ay sinubukang hampasin si Ronald dahil tila nainis si Maricar. 

Pero hinatak siya ng kapamilya nila at ipinakita ang isang poster na may nakasulat na "Will You Marry Me"?

"Halo-halo na 'yung naramdaman ko, kaba, saya, at pagmamahal," sabi ng kapatid ni Maricar sa video at video uploader na si Missy Reyes.

Ang balak lang talaga ni Ronald noon ay magsisimba sila bubuksan 'yung poster pag uwi nila. Ang sabi ng tito ko, lagyan daw ng twist para raw maganda," ani nito.

Para naman kay Ronald, mission accomplished naman si Ronald dahil nakuha niya ang matamis na "YES" mula kay Maricar. 

Nakatakda na ang kanilang kasal sa susunod na taon. Sa January 20, 2022 na ang eksaktong petsa ng kanilang kasal matapos ang kanilang apat na taon na magkarelasyon. 

Nag viral din noon sa Facebook live ni Rienz Crystal Viernes habang abalang abala siya sa pagtitinda ng mga ladies shirt, dresses, denim shorts, tokong at kids wear, walang siyang malay na may proposal pala na magaganap. 

Sa sobrang abala niya sa pagli-live selling, hindi niya agad napansin ang kanyang kasintahan sa likuran.

Makikita sa Facebook live na biglang lumitaw at lumuhod sa kanyang likuran ang kanyang kasintahan na si Josephous Sumaylo Romas.

Hindi agad napansin ni Rienz ang kanyang kasintahan dahil naka focus siya sa pagtitinda at pagtingin sa mga comments ng mga nag mi-mine.

Nang makita ito ni rienz ang kanyang pinakamamahal, labis ang pagkatuwa niya at halatang nasorpresa siya sa kanyang paglingon.


“Will you marry me?” nakangiting tanong ni Josephous.

Agad naman sumagot si Reinz ng “Yes!”

Kasunod nito ang bumabahang komento at mga nakakatawang mensahe  ng mga taong nanood sa kanyang live selling.

Panoorin ang buong video dito!