Matapos naging sikat si Madam Inutz, online seller na kilala ng marami dahil sa kanyang pag o-online selling na maraming viewers na wala naman nagma-mine sa mga binebenta niyang mga damit, hindi na niya naitago ang pagkakakilanlan ng kanyang ex boyfriend.

Sa kanyang pakikipag-collab sa isang vlogger na si Angelica Yap o mas kilala bilang Pastillas Girl, naitanong kay Madam Inutz sa kanya ang tungkol sa viral na video niya.

Ang video na ito ay tungkol sa  kung saan sinabi niya ang kanyang ex ay nagme-message sa kanya at nagsabing proud din ito sa kanya.

Pinaalala nito ang sinabi umano sa kanya ng ex niyang ito na hindi umano maging successful sa tinatahak niyang career at hinding hindi umano ito sisikat sa nasabing industriya kaya tumigil sa kanyang pangarap. 

Wala namang paligoy-ligoy na sinabi ni Madam Inutz na ang tinutukoy niyang ex boyfriend ay ang ama ng kanyang anak.

Sinabi umano sa kanyang ex kay Madam Inutz na, “Did you remember? You told me that I will never be famous, stop dreaming.”

Nilinaw naman niyang nag-uusap sila ng ama ng kanyang anak lalo na ngayong nagkaroon ng pandemya. Nilinaw  niyang nag-uusap sila para sa kanyang anak.

Matapos sumikat si Madam Inutz, ang isang online seller na naging instant vlogger dahil sa kanyang live selling na dinudumog ng maraming mga netizens ngunit wala namang nag ma-mine ng mga paninda nito, marami na ngayon ang nais makipag-collab kay Madam Inutz.


Ngunit, dahil nga may nagma-manage na kay Madam Inutz, kinakailangan muna na dadaan kila Momshie Wilbert kung may ganitong request ng mga collab videos.

Dahil sa mga kaganapang ito, marami tuloy ang nagbigay ng kanilang mga espekulasyon na sinasamantala lang umano ni Momshie Wilbert ang bagong nakuha nitong talent.

Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga tao, dinepensahan umano ito ng isa sa mga kilalang mga talent managers na si Ogie Diaz o mas kilala rin sa tawag na Mama Ogie.

“Feeling ko, hindi naman sinasamantala ni Wilbert si Madam Inutz dahil katunayan, weird ang pagma-manage ni Wilbert kasi hindi siya kumukuha ng komisyon bagkus binibigyan pa niyang pera si Madam Inutz,” pagdedepensa ni Ogie kay Momshie Wilbert sa kanyang Showbiz Update channel.

“Kasi ang kasulatan nila ay tutulungan niya si Madam Inutz sa abot niyang makakaya sa career nito. Kahit anumang dumating na proyekto ay hindi siya ka-cut. ‘Yung komisyon niya ay ibibili na lamang ng gamot ng nanay niya at itutulong sa kanilang kabuhayan,” dagdag pa ni Ogie.

Ayon pa kay Mama Ogie, naintindihan niya umano ang pamamaraan ni Momshie Wilbert dahil alam niya bilang isa ring talent manager, ayaw niyang i-bypass siya ng kung sinuman ang nais mag-inquire o makikipag-collab sa kanyang alaga.


Ang balak rin ni Momshie Wilbert na ibalik si Madam Inutz sa kanyang pag o-online selling na kung saan siya unang sumikat at nakilala ng maraming mga tao.

Sa kabilang banda, nag viral din ang video ni Ethel Booba na kung saan kasama niya sina Boobsy Wonderland. Maraming mga netizen ang napatanong na kung ito ba ay patama nila kay Momshie Wilbert.

Sa video kasi ay makikitang hinahabol ni Boobsy si Ethel para magpa-picture ngunit pinagbawalan dahil wala raw silang appointment. Bukod pa rito, nabanggit rin ang ni Boobsy ang salitang “inutz”.

Sey naman ni Ethel sa Tiktok video, “Eh ano kung ayaw ng management? Hindi naman ako ganung tao, di naman ako katulad ng iba.”

Sa pagkakaalam ni Ogie, balak daw pumunta nila ni Ethel Booba sa bahay ni Madam Inutz at may mga dala pa itong mga regalo para ibigay umano sa ina ng social media star.

Panoorin ang buong video dito!