Mainit na init na naman ngayon ang usapan sa social media matapos spotted na magkasama ang isa sa mga sikat na aktor at aktres sa industriya. 

Sa isang nag viral na video, kitang kita ang aktor na si Marco Gumabao at ang aktres na si Ivana Alawi sa isang party kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Sa kumalat na video, makikita na masayang-masaya ang dalawa sa naganap na party. Naaktuhan din na kumakanta si Ivana Alawi sa nasabing party.

Nakuhanan din sa camera ang aktong paghawak ni Marco sa h*ta ni Ivana habang kumakanta ang aktres. At naghiwayan naman ang iba pa nilang mga kasama.

Sa ipinost na video, marami ang nagsabi na hindi si Ivana ang nasa video. Ayon pa sa ilang mga netizen, kamukha lang umano ni Ivana ang babae na nasa video.

Sa ngayon, patuloy pa rin na inaalam kung sino talaga ang babae na kasama ni Marco Gumabao sa party na iyon. 

Matatandaang, sa mukbang  vlog ni Ivana noon, maraming mga negative comments ang natanggap ni Ivana Alawi. Komento ng isang netizen sa kanya, “mukhang panget to pag walang make up.” Ang puna ng netizen ay hindi inatrasan ni Ivana. Sa katunayan, sinagot pa niya ang komentong ito.

“I love myself. Wala akong magagawa sa’yo, day! Kung ito pangit sa’yo, okay!,” sagot ng YouTube vlogger.



Marami pang mga negatibong komento ang naglabasan sa ginawang recent vlog ni Ivana. May isa pang netizen ang nagsabi na maganda lang daw ang katawan ni Ivana ngunit hindi naman kagandahan ang mukha. 

Agad naman ito niresbakan ng vlogger at sabi niya, “Thank you! At least maganda ang katawan ko. I love you, you’re so sweet!”

Sinundan pa ito ng isa pang negatibong komento na nagsasabing, “Nagdamit ka pa? Maghubad ka nalang, bold star!”

"Ang bold star ay 'yung nagpapakita ng ano... Ako nagpapakita lang ako ng puwet tsaka bra. Naka-panty at bra ako, so hindi ako naghuhubad ng panty at bra. Masaya lang ako kapag nagbi-bikini, iba kasi talaga kapag nag-bold ka,” sagot ni Ivana.

Pinagkakaguluhan din noon sa social media ang isang kumakalat na mga photos ng dalawang aktres na sina Nadine Lustre at Ivana Alawi matapos ikinumpara umano ang dalawa kung sino ang mas sexy sa kanilang dalawa.

Sa isang blog post ng Fashion Pulis, ibinahagi ang dalawang photos ng aktres na tila kinukumpara ang dalawa kung sino ang mas nag stand out?

"Who wore it better: Ivana vs. Nadine Lustre?" caption ng Fashion Pulis sa post nito. 

Si Ivana Alawi ay isang Moroccan-Filipina actress, model at social media personality. Lalong sumikat si Ivana nang nagsimula siyang madiskubrehan ng maraming mga modeling agencies dahil sa malakas na aura at feature ng kanyang mukha pati na rin ang napakagandang hugis ng kanyang katawan. 


Panoorin ang buong video dito!