Trending ngayon sa social media ang isa sa mga kilalang mga komedyante sa bansa na si Super Tekla matapos napagbintangan na nagnakaw sa isang convenience store. 

Nitong October 16, ibinahagi ito ni Super Tekla sa kanyang Facebook account. 

Sa kanyang post, inalala niyang muli sa kanyang social media account kung paano siya inakusahan ng isang babae na kumuha umano siya ng items mula sa convenience store. 

“Mistaken Identity 7-11 E Road Branch. I [was buying] something, hinarang ako ng [sales]lady after ko mabayaran yung binili ko. May kinuha daw [akong] item sabi ko, ‘Are you sure ate?’ 

Napahiya ako [ang] daming tao sabi niya kapkapan daw ako then sabi [ko] ‘go ahead’. Walang nakita sa akin, pina-check ko ang resibo ko kumpleto bayad at yung binili ko.” 

Kalaunan, binaba ni Tekla ang kanyang mask at doon na na-recognize si Tekla ng saleslady at napaiyak na lang ito.

“Binaba ko yung mask ko, na-recognize niya ako si Teklah, ‘Ate kinapkapan at pinagbintangan mo ako, ate. Tapos ngayon iiyak ka at nagso-sorry dahil nagkamali ka ganun lang kadali yun.

Sabi ko sa kanya, ‘Ang [swerte] mo ate mabait at maunawain ako, kung sa iba yun may paglalagyan ka. Sige ate palalagpasin ko ito [swerte] mo sakin ka natapat kung sa iba baka natanggal ka na,"paliwanag ni Tekla.


Nagbigay din ng isang lesson si Tekla sa kanyang post  at kung bakit rin ay pinili niyang patawarin na lang ang saleslady.

“Lesson [learned], wag manghusga sa panlabas na anyo siguraduhin mong tama ang ginagawa mo, [imbis] na magalit ako, awa [ang] nanaig sa puso ko. Di biro yung pagbintangan [kang] mananakaw pero sabi ko kung susundin ko ang galit ko, tanggal siya sa work. Inisip ko na [lang] yung good side. 

Sabi ko sa inyo in real life napagbibintangan ako, ayun abot langit pasalamat ni ate, inisip ko rin maraming umaasa sa kanya mas mainam ang magpatawad at unawa minsan sa sitwasyon. Share ko [lang] sa inyo, kakatawa pero sad reality," dagdag pa ni Tekla. 

Matandaang kalat na kalat din sa social media ang isyung Tekla at Michelle. Ang couple ay anim na taon nang magka live in partner. Noong October 2020, inakusahan ni Michelle si Tekla ng verbal abuse.

Sinabi ng kanyang ka live in partner, nagagalit daw si Tekla at nagsasalita ng mga di kanais-nais sa tuwing mag-refuse siya na makipags*x sa kanya at tinitipid daw siya umano ni Tekla sa financial support--pagkain at iba pa.

Umabot pa sa programang Tulfo at doon nagkaharap ang dalawa. Sinabi lahat doon ni Michelle Bana-ag  ang kanyang reklamo tungkol sa kanyang ka live in partner. 

Ngunit, nitong mga buwan lang, napabalita na nagkabalikan na umano si super Tekla at Michelle na siyang espekulasyon ng karamihan na ang dahilan sa pamamayat ni Super Tekla. 


Marami rin ang bumuo ng haka-haka na baka bumalik si super Tekla sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot kaya ito namamayat ng husto ang komedyante.

Nilinaw naman ito ni super Tekla na nakipagkita lang daw siya ulit ng kanyang ka live in partner para lang sa kanilang anak na si Angelo at wala ng iba pang mas malalim na dahilan. 

Source: facebook