Mas lalo pang uminit ang isyu tungkol umano sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica na patuloy pang inaalam ng mga netizens ang puno’t dulo ng kanilang hiwalayan. 

Kamakailan lang ay nag post si Aljur ng kanyang statement tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan ni Kylie Padilla. 

Sa kanyang official Facebook account, nagsalita na si Aljur tungkol umano sa kung ano ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila.

Sa kanyang post, sinabi niya na kailangan ng magsalita ni Kylie sa madla tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Sinabi niya na hindi na kailangan pang itago ni Kylie ang katotohanan para sa kanyang sariling kapakanan lang. 

"Kylie please tell them the truth," post ni Aljur sa kanyang official Facebook account. 

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know," dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, deserve ng lahat ng mga tao na malaman kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng kanilang hiwalayan. 

Nabanggit rin ni Aljur na sa panahong nag open up si Robin Padilla, tatay ni Kylie, naging one-sided umano ang kanyang dating sa publiko.

Ngunit ang lahat ng ito daw ay tinaggap lang ni Aljur at mas pinili na lang niyang manahimik sa mga oras na iyon. 


"When your dad (robin) opened to the public his one sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading your statements it breaks my heart that you can sit still despite the truth," paliwanag ni Aljur. 

"Tell them who cheated first. Tell them who you are with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth," aniya. 

Matapos nagsalita ni Aljur sa nasabing dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla, hindi ito pinalampas ng isa sa mga pinsan ni Kylie. Sa kanyang post, hindi umano niya matanggap ang katotohanan umano na post ni Aljur.

Sa post ng pinsan ni Kylie, pinabulaanan niya si Aljur na magkaroon ng kaunting decency. Nakalagay pa sa kanyang post ang “feeling disappointed.”

Ipinaliwanag ng pinsan ni Kylie na hindi kailanman nag-cheat si Kylie kay Aljur. Sinabi pa niya na marami raw utang si Aljur kay Kylie at nag-cheat na rin si Aljur ng ilang beses na sa kanyang asawa. 


Dagdag pa niya, iresponsableng husband daw si Aljur at naging broken na si Kylie nang ilang beses dahil umano sa pambababae ni Aljur at kailanman ay wala umanong sinabi si Kylie na masama tungkol kay Aljur. 

Sinabi rin niya na sa sinabi ng ama ng kanyang tito Robin tungkol sa cheating , hindi raw iyon alam ni Kylie at nang malaman iyon ni Kylie ay hindi niya ito nagustuhan. 

Source: facebook