Isang nag viral na naman na post na patuloy na kumakalat ngayon sa social media tungkol sa totoong rason kung bakit naghiwalay sina Kylie at Aljur Abrenica. 

Sa isang kumakalat na screenshot umano ng conversation ng mga hindi nagpakilalang tao, nabanggit dito na may buong kwento na raw tungkol sa hiwalayan ng dalawa. 

Ito ay blind item umano sa PEP. Ang sabi rito, nagpaalam kunwari ang guy, si Aljur, na may shooting tapos 'yon pala ay inaabangan lang niya si girl (Kylie Padilla).

Dahil pansin na umano ni Aljur na palagi nalang umaalis si Kylie sa tuwing may work si Aljur. Kaya sa pagkakataon na iyon, sinundan niya umano ang kanyang asawa.

Tapos nakita raw ni Aljur na kasama ang friends ni Kylie at nasa kabila raw ang table ng rumored jowa. Sinundan daw niya ito patago at parking lot daw mismo ang tagpuan.  

At doon na inamin ni Kylie na nami-miss niya umano ang buhay dalaga lalong lalo na ang mga night-out with friends.

Kinuha raw ni Aljur ang kanilang anak at mas pinili na lamang manahimik sa isyu nilang dalawa ng kanyang asawa. 

Ayon pa dito, si Kylie ngayon ay namuhay na lang mag-isa at pabisita-bisita na lang sa anak niya doon sa parents ni Aljur. 


Kaya nga raw todo na magagandang mga salita ang mga binitawan ni Kylie dahil ayaw umano mabulgar ni Kylie na siya ang unang mag cheat sa kanilang dalawa. 

Kamakailan lang, sa official Facebook account ni Aljur, nagsalita na si Aljur tungkol umano sa kung ano ang katotohanan sa likod ng hiwalayan nila.

Sa kanyang post, sinabi niya na kailangan ng magsalita ni Kylie sa madla tungkol umano sa totoong dahilan ng kanilang kontrobersyal na hiwalayan.

Sinabi niya na hindi na kailangan pang itago ni Kylie ang katotohanan para sa kanyang sariling kapakanan lang. 

"Kylie please tell them the truth," post ni Aljur sa kanyang official Facebook account. 

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know," dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, deserve ng lahat ng mga tao na malaman kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng kanilang hiwalayan. 

Nabanggit rin ni Aljur na sa panahong nag open up si Robin Padilla, tatay ni Kylie, naging one-sided umano ang kanyang dating sa publiko.


Ngunit ang lahat ng ito daw ay tinaggap lang ni Aljur at mas pinili na lang niyang manahimik sa mga oras na iyon. 

"When your dad (robin) opened to the public his one sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading your statements it breaks my heart that you can sit still despite the truth," paliwanag ni Aljur. 

"Tell them who cheated first. Tell them who you are with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth," aniya.