Naantig ang mga puso ng mga netizen sa kumalat na post sa social media ng isa sa mga hinahangaang aktres na si Aiko Melendez matapos ang kanyang napaka-heart warming na interaksyon  sa isang lola na umani ng samu’t saring reaksyon.

Ayon kay Aiko, labis daw siyang naawa sa lola na nakita ng isa sa kanyang mga staffs na nanlilimos habang nakaupo sa isang simento.

Nilapitan niya umano ang lola na nagngangalang Dolores dahil labis siyang naawa sa kanyang nakita. Maliban sa kinausap niya ito, binigyan pa umano ni Aiko ng food packs si Nanay Dolores.

“Nakita ng staff ko kanina si nanay naka upo namamalimos Siya si Nanay Dolores. Inabutan sya ng food packs ng staff ko :) At nakikinuod ng TV sa kapitbahay ng show namen,” post ng aktres sa kanyang Instagram account. 

Dahil sa nalaman ni Aiko na wala umanong sariling television si Nanay Dolores, naisipan ni Aiko na bigyan si Nanay Dolores ng isang television bilag handog sa kanya.

So regalo ko syo nanay at alam ko na address mo simpleng tv ♥️ Sana masiyahan ka at di na kailangan makinuod sa kapitbahay :) Ingat Nanay Dolores! #stalucia,” dagdag pa niya. 

Kamakailan lang din ay kinumpirma ng aktres na tatakbo siya ngayong susunod na halalan bilang councilor sa Quezon City, 5th district.

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang aktres sa industriya. Nakatanggap siya ng “Best Supporting Actress” award sa kanyang pelikula na “Rainbow’s Sunset.”

Pumasok na rin siya sa mundo ng pulitika at nanungkulan sa Quezon City council nong 200. Umabot sa siyam na taon ang kanyang panunungkulan, hanggang 2010.

Matatandaan, laughtrip ang nag viral noon sa social media matapos kumalat ang isang video na makikita si Aiko Melendez na kinakausap ng isang direktor kasama si Mejia Long para sa kanilang bagong project. 


Sa kanilang pinag-usapan, meron daw kissing scene na magaganap sa kanilang dalawa ni Long at Aiko Melendez. 

"So, ikaw naman, wala kang pakialam. Giniginaw ka. Hinuhubad mo na yung damit mo. Kinuha mo siya, tapos nag lips to lips kayo nang torrid," paliwanag ng direktor kay Aiko  para sa kanilang magiging scene ni Mejia Long. 

"Talagang nag bed scene kami ni Aiko, talagang walang damit kami ni Aiko," tanong ni Mejia Long sa direkto nila ni Aiko. 

Sinabi naman ng direktor nang walang paligoy-ligoy na seryoso nilang ipapakita ang mga bed scenes nila ni Aiko Melendez at Mejia Long. 

Labis na nagulat  sii Aiko sa sinabi ng kanilang direktor. Iyon pala, prank lang ang lahat. Magkasabwat pala sila ng direktor at saka ni Mejia Long. 

Hindi na lang nakaimik si Aiko nang nagsimula nang tumawa ang dalawa at sabay sabi na "it's a prank." Kitang kita sa video na gustong hampasin ni Aiko si Long ng bottled water dahil sa ginawang prank nito. 

Hindi naman pumayag si Aiko na ganun na lang. Nagplano siyang maghiganti kay Mejia Long sa isang prank naman. 

Habang kumakain sila ni Long at Aiko para sa YouTube collab vlog nilang dalawa, dito na niya naisipan na simulan nang i-prank si Mejia Long. 

Sa simula ng prank video, may isang lalaki na lumapit kay Aiko at sinabing magpapicture daw. Pero 'yon pala ay kasabwat ni Aiko sa gagawin nilang prank kay Long. 

Unang napag-usapan nila ni Aiko at Long sa kanilang vlog ang dating girlfriend nito. Paliwanag naman ni Long, matagal na panahon na ang nakalipas noong naging sila at maganda na raw ang buhay ng kanyang naging dating nobya.

Sunod naman nilang napag-usapan ang mga viral searches sa google na may kinalaman sa pangalan ni Long. 

Sinabi ni Aiko ang nakita niyang kasali sa viral searches na, "Long Mejia Mura." 

"Ah hindi, nag viral kasi yun. Yung sinabi ko kasi sa isang eksena, may tindahan ako ng prutas. Tinanong ng babae ang mahal naman nung saging. Sabi ko, ano ba, gusto mo ng mura?...Sinabi ko, p*tang*na mo," paliwanag ni Long.


Sinabi rin ni Long, may plano siyang maglingkod sa darating na 2022 sa Malolos City. Sinubukan na niya noon ngunit hindi siya pinalad, kaya nagbabakasakali siyang magtagumpay sa susunod na taon. Tatakbo siya bilang konsehal.

Sa kalagitnaan ng video, biglang may tumawag na lang kay Aiko na si  Ms.Vanessa, road manager at kasabwat ni Aiko Melendez sa gagawin nilang prank kay Long. 

Sinabi ng road manager ni Aiko na kapag daw may mga appearances si Aiko sa kahit anong mga public videos ay may kapalit talaga na compensation.

"Kung talagang ilalabas nyo po, you were just have to pay siguro ho, the standard rate of Miss Aiko. Parang wala na tayong choice kundi ho i-compensate na lang po yun pong appearance ni Miss Aiko," paliwanag ni Miss Vanessa. 

Sinabi ni Aiko sa mismong director ng kanilang collab vlog na pinapasabi daw sa kanya ng kanyang road manager na pinapasingil ang Php 400,000 na compensation. 

"Pinapasingil ng talent manager ko yung Php 400,000...kasi yun yung standard rate ko per taping," sabi ni Aiko kay direk Tom.

Para hindi masayang ang collab video nila ni Aiko at Long, sa YouTube channel lang ni Aiko pwedeng ipalabas ang naturang video.

Sumang-ayon naman si Long sa desisyon ng ipinaliwanag ni direktor Willy ang patakaran ng road manager at management ni Aiko. 

Sa katapusan ng video, labis na nag sorry si Aiko sa nangyaring mga behind the scenes at sinabi niyang, "Sana hindi ka madala...Sana maintindihan mo na prank lang 'to," patuwang sinabi ni Aiko. 

Source: KAMI