Usap-usapan na naman ngayon ang isa sa mga trending na isyu ngayon sa mundo ng showbiz, ang hiwalayan nila ni Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich na ikinagulat ng maraming mga netizen. 

Sa Facebook, nitong Linggo lang, kinumpirma ng dalawa ni Alodia at ng kanyang boyfriend na si Wil Dasovich ang kanilang hiwalayan.

"To those asking, wala na kami. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be," post ni Alodia.

"I hope you respect our privacy during this time in our lives," dagdag pa niya.

Nitong Nobyembre 16 naman, isang simpleng litrato naman na may simpleng caption ang kanyang ipinost.

“One step at a time,” aniya. Bumaha naman ng mga encouraging words ang comment section, at mga mensahe na sana raw ay maayos pa nila ang kanilang relasyon, lalo’t si Alodia ang kasa-kasama ni Wil noong mga panahong nilalabanan ng vlogger ang sakit na cancer.



Samantala, may IG post tungkol sa pagmo-move forward, nitong Nobyembre 16 ang ex-boyfriend ni Alodia. 

“Keep moving forward, because there is no other option. You can rest, you can eat, sleep, pray, do what you need to do to find your strength, and then when you are ready we move again. We always move. If you stop moving, so does your life.”

Habang kumalat na ang “move on” posts ni Alodia at Wil, kalat na kalat naman sa TikTok ang pagkakadawit sa pangalang Barbie Imperial at Christine Samson. 

Si Christine ay kilala bilang isa sa mga matalik na kaibigan nila ni Wil at Alodia. Bago paman nakilala si Christine sa noontime show na “It’s Showtime,” isa na siyang sikat na video game streamer. 

Laking pagtataka naman ng maraming mga netizen na kung bakit nadawit pa ang pangalan ni Barbie Imperial kung gayon ay may Diego Loyzaga na siya. Maraming mga netizen ang nag-uugnay sa kanya sa hiwalayang Alodia at Wil.

Sa ngayon, hindi pa nagsasalita si Barbie tungkol sa isyung ito. Wala pang kumpirmasyon laban sa mga paratang sa kanya ng mga netizen. 

At nito ngang Nobyembre 16, nakadagdag pa rito ang pa-blind item ng ‘Lalaking Marites’ na si Xian Gaza, na karamihan sa hula ng mga netizens, ay sina Wil at Alodia umano.

Matatandaang, opisyal na ipinakilala ng couple ang kanilang "future home" sa social media noong October 16 ng taong ito. 

Ang napaka garbong bahay ay dinesenyo pa ng isang arkitekto na si architect Oliver mula Austria. 

Sa kanilang interview noon sa YouTube, inilarawan nila na ang disenyo na kanilang napiling ipagawa ay isang Japanese-inspired design. 

Maraming mga netizen ang labis na namangha sa disenyo ng kanilang bahay, lalong lalo na sa basement kung saan nandoon nakalagay ang gaming area.

Sa bahay na kanilang ibinida noon sa social media, maraming mga tao ang nagsabi na handang handa na silang dalawa para tumira sa iisang bubong. 


Iyon nga lang, lumabas ang balitang hiwalay na ang dalawa. Marami na ang naintriga kung ano na ang mangyayari sa kanilang bahay.

“Pano na po yung dream house nyo ms. A,” tanong ng isang netizen.

“Hello madam Alodia Gosiengfiao sorry to tell you this but. . how about the house!! It’s canceled ?. Ganda pa naman ng art ni sir oliver Austria .. btw praying for you both for healing hearts. Godbless!” tanong pa ng isa pang netizen. 

Samantala, hindi pa nagsasalita ang Filipino-American na boyfriend ni Alodia tungkol sa umuugong na isyu. 

Source: balita