Mainit init pa ngayon ang isyu tungkol umano sa newly released vlog ni Christian Grey Merck o mas kilala bilang si "Makagwapo" sa kanyang official YouTube channel.

Sa kanyang vlog, nagulantang ang mga netizen nang sinabi ni Christian Merck na binibitawan na niya ang pangalang "Makagwapo."

Ayon kay Christian Merck, bibitawan niya ang pangalang "Makagwapo" para sa kapayapaan at kabutihan ng lahat.

Dagdag din ni Christian, willing siyang mawala ang lahat, huwag lang ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Pam Esguerra.

Matatandaang, naglabas ng makahulugang post si Caffey Namindang matapos ang lumabas na vlog ng kanyang dating kasintahan na si Christian Merck Grey o mas kilala bilang Makagwapo.  

Ito ay matapos nagpakita ng isang dokumento si Makagwapo na ang kanyang asawa lang ang may karapatang gamitin ang pangalang Makaganda. 

Ang nasabing link sa vlog ni Christian ay ibinahagi din ng kanyang misis na si Pam Esguerra sa kanyang Facebook account. 

Nagbigay din siya ng kanyang babala sa mga taong gumagamit pa rin ng pangalang Makaganda. 

"Pina-TRADEMARK NG ASAWA KO ANG MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.) 


Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo. Maraming Salamat po," sulat ni Pam.

Matapos kumalat ang balita tungkol sa pagpapa-trademark ni Christian sa pangalang Makaganda sa kanyang misis, hindi nagpatinag si Caffey Namindang. 


Pasimple nitong sinabi na siya pa rin ang orihinal na Makaganda sa kabila ng babala ng mag-asawa na kakasuhan nila ang taong patuloy na gumagamit sa pangalang iyon. 

Sa kanyang Facebook post, ginamit niya ang hashtag na #realMakaganda. 

Marami namang mga netizen ang patuloy na sinusuportahan pa rin ang unang binansagan na Makaganda na si Caffey Namindang. 

"Kinasal nangat lahat anyare ?lahat naba kukunin scary 

"Kasuhan mo na kaya pati tiktok youtube google na ginagamit ang makaganda pero muka ko ang lumalabas owshee."


May mensahe din siya para sa isang taong hindi na niya pinangalanan ngunit tinawag niyang tita. 

"Mang aapak ka ng tao kasi mas may pera ka? mali yun tita . wala e panahon nyo ngayon e .hintayin nyo pag panahon ko na at malapit nayun."

Panoorin ang buong video dito!