Marami na sa mga tao ngayon ang nahuhumaling sa pagbili ng mga items mula sa online. Dulot ng pandemya, naging parte na ng buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng transaksyon online.

Isa sa pinakakilalang online shop ang “Shopee.” Ito ang isa sa mga shops na pinagkakatiwalaan ng marami dahil sa mga legit items at no hassle delivery ng mga parcels para sa mga customers nito.

Ngunit, iyon nga lang, hindi inakala ng isang customer sa Mariveles, Bataan na may kakaiba siyang napansin na nasama pagbalot ng kanyang parcel. Nakita niya na may dalawang ahas sa loob ng kanyang parcel.

Ayon sa may-ari ng package, binili niya ito noong 11.11 sale. Habang binubuksan, isang maliit na ahas ang bumulaga sa kanya. 

Nang gupitin naman n'ya ang kabilang dulo ng package, doon nila nakita ang isa pang mas malaking ahas. Ayon sa pamunuan ng online shopping app, nakikipag-ugnayan na sila sa customer at iba pang nadamay sa insidente. 


Nagpapasalamat din sila at agad na isinumbong ng customer ang pangyayari at hinihikayat din nila ang publiko na agad idulog sa kanila ang mga insidente tulad nito para sa ligtas na online shopping para sa lahat.

Sa online shopping, inaasahan na talaga ang ganyang mga pangyayari lalo na kapag marami ng mga panloloko na nagaganap online. Mayroong iba na hindi naman talaga sinasadya, ngunit dahil nga sa pamamaraang ito, wala talagang kasiguraduhan.

Katulad na lamang ng nag viral na post noon tungkol umano sa isang customer na nakatanggap ng walang laman na parcel.

Sa video na ipinakita sa Facebook, makikita na nagpapaliwanag ang nasabing delivery rider dahil umano sa nangyaring scam. Binuksan umano niya ito mismo sa harap ng rider.

Sabi ng rider sa video, wala umano silang kinalaman sa nangyaring pang-iiscam ng seller dahil ang kanilang trabaho ay ang pag de-deliver lamang. 

Habang nagpapaliwanag ang rider, medyo uminit ang ulo ng asawa ng nasabing babae na receiver ng item. 

Ang gusto ng mag-asawa ay ibalik ang pera dahil wala umano ang kanilang inorder na gamit umano sa tambutso ng motor. 

Ipinaliwanag ng rider na wala siya sa lugar upang magreklamo sa seller. Sinabihan niya ang receiver na sila na mismo ang magreklamo sa seller gamit ang kanilang shopee account. 

Dito, hinampas ng lalaki nang malakas ang gate at saka naging mas agresibo at galit na galit sa nasabing rider. May hawak pa itong kutsilyo at balak na saksakin umano ang rider. 

Napilitan ang rider na ibigay ang nasabing pera na nagkakahalaga ng Php 300 plus. 


Inawat naman ito ng babae at saka na kumalma ang kanyang asawa. Patuloy pa rin sa pagpapaliwanag ang delivery rider.

Hindi pa rin tinanggap ng babae ang paliwanag ng rider. Humingi na lang siya ng sorry sa rider at hindi na binalik ang pera. 

Maraming mga netizen ang nalungkot sa nakitang pangyayari. Marami ang pumanig sa side ng rider dahil hindi naman talaga kasalanan ito ng rider.

Source: facebook