Isa sa mga nag trending na isyu noon ay ang hiwalayan nila ni Miss 2020 Miss Universe Philippines, Rabiya Mateo ang ang long-time boyfriend niyang nurse na si Neil Salvacion. 

Matapos lumaban sa Miss Universe pageant na ginanap sa Amerika, nabalita ngang nag-break na ang dalawa. 

Mismong si Neil ang nagkumpirma sa publiko ng malungkot na balita na totoong hiwalay na sila ng beauty queen.

Kasabay ng isyung ito, nakiusap si Neil na huwag i-bash si Rabiya dahil pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay. 

Dagdag din ni Neil, talagang malaki ang sakripisyo na ginawa ni Rabiya para makamit lang niya ang kanyang pangarap. 

Matapos umamin si Neil, nagsalita rin si Rabiya na totoong wala na sila at nangakong mag-uusap sila ni Neil kapag nakauwi na siya ng Pilipinas mula sa pagrampa sa Miss Universe noong Mayo.

Nitong buwan lang din ng September 7, biglang lumabas ang balita na nag-audition si Neil sa bagong edisyon ng “Pinoy Big Brother” kung saan nabanggit nito sa isang video na nakipaghiwalay sa kanya si Rabiya dahil sa korona.

Sa ginanap na virtual mediacon ng GMA para sa contract signing ng beauty queen sa Kapuso network, natanong siya kung ano ang naging reaksyon niya sa naging pahayag ng kanyang boyfriend. 

“I will be honest in answering this question. To be honest po, we were talking na, he told me na he wanted to join (PBB). I told him, ‘Go ahead. I’m proud of you.'”

Humingi na rin daw ang binata ng paumanhin matapos kumalat sa social media ang kanyang audition video sa “PBB”, “After nu’n, we also talked about the issue, and he said sorry.


“Sabi ko rin, iba kasi yung pagiging public figure. Siguro yun ang hindi niya na-prepare yung sarili niya. Na everybody is gonna have a say about you.

“If you really want it, if you can take the responsibility, then go ahead,” chika pa ni Rabiya.

Naikuwento rin niya ang ginawa niyang pakikiramay kay Neil nang mamatay ang nanay nito, “He just lost his mom three weeks ago. So, dinamayan ko rin po siya.

“That’s why kahit anong ibato ng tao for the both of us, alam ko po na he’s my best friend.

“Hindi rin madali yung seven years na pinagsamahan namin. If he needs me, I’m gonna be there as a friend,” aniya pa.

Matatandaan rin na minsan nang sinagot ni Rabiya sa isang interview na talagang nagkakalabuan na sila ni Neil noong sumali siya sa Miss Universe pageant.

“To be honest po kasi, it wasn’t okay na talaga.”

“But because I was competing, we tried to conceal as much as we can, kasi I don't want na puputok yung issue na hindi na kami before pa ako mag-compete.


“It’s gonna be a big headache on our sides. Pero after po kasi, it was like a mutual understanding, ‘Okay, unti-untiin na natin yung fans.’

“Because during the competition, he was being pressured to post something about me. Bakit di raw siya nagpo-post, wala na raw ba kami?

“So I don’t want him to feel that kind of pressure kasi mahalaga rin siya sa akin,” pahayag pa niya.

Narito naman ang mensahe ni Rabiya para sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya, pati na rin kay Neil, “It has nothing to do with the years that you are together, but it’s the kind of connection na you guys are on the same page all the time.

“Kasi it’s gonna be hard if you want to do this, if you want to take Path A, if you want to take Path B, and you’re not meeting in the middle.

“So, I guess, it’s also God’s gift if you’re gonna meet the same person who shares the same values, who understands your responsibility.

“Alam ko andaming opinion, and for them it was a tragic love story, but for us, it was a lesson learned. Hindi basta-basta pinagdaanan namin. But now, I know he’s happy. I am happy. I’m happy kung saan kami ngayon,” sabi ni Rabiya.

Source: BANDERA