Isang nakaka-inspire naman na kwento ang trending na trending ngayon sa social media matapos makunan ng litrato ang isang ama na dala dala ang kanyang anak habang nagtatrabaho. 

Sa photos na ibinahagi ng isang netizen na si Jeremiel, kitang kita ang larawan ng isang food panda rider habang karga niya ang kanyang anak na sanggol sa basket ng kanyang motor.

Ang pangalan ng food panda rider ay kinilalang si Hersey Manuel na umano'y nagpaantig sa puso ng mga netizen. 

Ayon sa uploader na si Jeremiel, tinanong niya ang rider kung wala ba siyang pwedeng mapag-iwanan sa baby niya. 

Sabi naman umano ng food rider, wala raw kasi nag wo-work din ang kanyang asawa at nakikitira lang din sila sa tito niya. 

Ngunit, sa kabila ng mga papuri at mga paghanga sa rider, marami din sa mga netizen ang hindi sang-ayon sa ginawa ng ama ng sanggol. 

Ayon sa ilang mga netizen, delikado umano ito para sa kalagayan ng bata. 

"Delikado sa bata yang gawa mo kapag nahulog yang bata sa bike at magkasakit. Sa hamong pwede naman kayo kumuha ng tiga pagalaga dalawa pa kayong nagwowork. Magasawa eh may pambayad na siguro kayo sa magaalaga. Negative sakin yang stay mo," komento ng isang netizen.

Nagbigay naman ng panayam ang dakilang ama na si Hersey sa mga netizen na nagbibigay ng mga masasakit na komento. 

"Magandang umaga po! Lilinawin ko lang po na hindi ko po kasama yung anak ko sa pagdedeliver, kaya ko lang po siya sinama dahil marami pong ginagawa yung asawa ko. 



Nagluluto ng paninda naming tokneneng at naghe-helper po dito sa tindahan ng tita ko, yung mga tita ko naman dito marami rin pong ginagawa nung mga oras na yan eh iyak na po ng iyak yung anak ko kaya isinama ko na po. 

Alam ko pong nag aalala lang kayo sa anak io maraming maraming salamat po sa nag paabot ng tulong," saad ni Hersey. 

Kaugnay ng kwentong ito, nag-viral kamakailan lang ang mga larawan ng mag-ama na bumibili ng sapatos sa isang shop.

Sa Facebook page na ‘Heaven Elements’, ibinahagi nito ang mga larawan ng isang matandang lalaki kasama ang anak nito habang bumibili ng sapatos.

Makikita sa ibinahaging mga larawan na nagbibilang ang isang matandang lalaki ng kanyang mga naipon na barya para pambili umano ng sapatos para sa kanyang anak. 


Kitang kita rin ang bakas ng mga ngiti sa mukha ng matandang lalaki dahil sa wakas nabili na rin niya ang sapatos na inaasam ng kanyang anak.

“Hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan..” ayon sa post.

Source: trendypinoy