Trending na trending ngayon sa social media matapos sinabi ng aktor na si Gerald Anderson na sobrang excited daw siya na makatrabaho si Gigi de Lana sa kanilang series na "Hello, Heart."

“First of all I was excited kasi yung character ko bilang si Saul is a character that I’ve always wanted to play. He’s a business tycoon and it’s a dynamic character and nung sinabi nila na si Gigi yung makakasama ko siyempre rinesearch ko agad sa YouTube and yung videos niya na kumakanta. 

For some reason, it always works pag ganun eh. Pag fresh at bago yung tandem, it excites me because it’s another challenge for me bilang aktor and it’s exciting for the fans,” sabi ni Gerald sa isang media conference ABS-CBN Entertainment kasama ang Iqyi.com nitong November 23 lang. 

Sa kanilang bagong romantic comedy series, si Gerald ay isang emotionless, business-as-usual guy na nag hire ng isang maganda at masipag na babae na si Heart (Gigi de Lana).

Dito, magpapanggap sila bilang mag-asawa para matuwa ang kanyang lola na mayroong dementia. Saul (Gerald Anderson), doubtful noong una kay Heart. At hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala ang kanyang loob kay Heart.

“I think at the end of the day, yung production na nakasama namin is from ABS-CBN and kasama ko din sila sa past shows so I was very comfortable. Parehas kami ni Gigi. 

Kumbaga parang kaming pamilya na nandun. I think the difference now is yung platform which is in 191 countries. That’s amazing. Talagang international levels na. 

We’re really very blessed and maganda na nakasama ko yung production na I’m comfortable with and we’re just trying to do our best,” lahad ng aktor.

Hindi rin daw umano niya pinwersa ang kanilang 'chemistry' online para magmukha umano itong natural sa mga manonood.


“You can’t eh. Hindi mo talaga ma-ki-create yan. Lalo na sa sitwasyon ni Gigi dahil it’s her first time to act. All you can do bilang partner niya is to make her as comfortable as possible.

Siyempre we’re in a very high pressure, sensitive, and vulnerable environment. Kailangan lang comfortable siya and then let the rest happen. Sa awa ng Diyos naging okay naman. 

Nag-enjoy kami and we feel like we made magic. I’m always open sa ganung tandem kasi it’s something fresh,” paliwanag ni Gerald.

Matatandaang, aminado si Gigi na na star-struck pa umano siya sa aktor dahil baguhan lamang umano siya sa mundo ng pag-arte. 

"Kinabahan ako. Pa'no kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na," pahayag ni Gigi. 

Ngunit ayon naman kay Gerald, todo ang pag-alalay niya sa co-star at siya raw ang magiging coach nito lalo na at baguhan ang aktres sa puspusang pagti-taping.

At dahil umano inilabas na ni Gigi ang totong siya kay Gerald, na-eenjoy umano ng kanyang leading man ang kanyang pagiging makwento.

Payo naman ni Gerald kay Gigi, importante umano ang stamina sa kanilang taping. Tatlong araw pa raw silang magti-taping at pagkatapos ng pahinga, mayroon pa muling apat na araw na shoot ulit. 


"So, stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo," ani Gerald. 

"Naiintindihan ko naman siya. Kasi 'yong momentum talagang 'pag relax ka na. Sa iba 'yung workout parang trabaho rin 'yon e. 

Pero sa awa ng Diyos, para sakin lifestyle. But it's hard. Sana makapag-inspire pa ko ng ibang tao mag-workout," dagdag pa ng aktor. 

Samantala, inaasahan ni Gigi na marami siyang matutunan sa mga ibinahagi ni Gerald at sa kanyang bagong career ngayon. 

Source: ABS CBN