Dahil sa pandemyang dumating na di inaasahan ng lahat, maraming mga tao ang mas naging masalimuot ang kanilang buhay.

Naging limitado na rin ang mga galaw dahil sa ipinatupad na mga basic health protocols at mga quarantine rules. Dulot nito, naging mas mahirap tayong magkaroon ng pagkakakitaan. 

At dahil dito rin, walang sapat na pera para pantustos sa araw-araw na pangangailangan ng isang tao. Nakakalungkot isipin na may mga pamilya pa silang dapat sustentuhan. 

Katulad na lamang sa nag viral sa social media ang isang pamilya na kung saan kahit pambili ng gatas ay walang wala talaga para sa kanilang sanggol. 

Kaya para magkalaman ang tiyan ng sanggol, pinainom nila ito ng tinatawag na 'am' o ang tubig mula sa pinakuluang sinaing. 

Dahil dito, kumakatok ngayon sa inyong mga puso si Lean Javier upang humingi ng kaunting tulong para sa anak ng kanyang kamag-anak na si Marlyn Borabo. 

"Hi. Ako po'y humihingi ng unting panahon na basahin po itong aking panawagan sa isang pamilyang hindu makatarungang pangyayari dito sa aming lugar sa Isla Pulang Bato Brgy. Bagong Silang, Quezon City. 

Kakapanganak ng lola ko na si Marlyn Borabo nitong March lang po at yung asawa niya po ay kasalukuyang walang hanapbuhay, gawa ngayong COVID-19.

Sila po ay kapuspalad na halos wala na pong pang kain at yung baby po ay nilulutuan na lang ng AM pang palit sa gatas.

Kami pong mga kamag-anakan ay wala pong kakayahan na makapag-abot kahit kaunting gatas kahit sa pack lamang po sa kadahilanan kami po ay kapus na kapus sa pang araw-araw na pangangailangan.



Ako po ay humihingi ng kaunting tulong para sa kanila, sana po matulungan sila," post ni Lean Javier. 

Sa post ni Javier, may ilan ding mga netizen ang nabahala dahil sa ipinapainom na 'am' sa sanggol. Masyado pa raw bata para rito at baka hindi umano matunawan ang bata. 

Hindi rin umano pwedeng mapapa-bre@stfeed niya ang kanyang anak dahil maging siya ay wala ring sapat na nutrisyon. 

Matatandaan, isang kakaibang kwento ang nag viral noon sa Facebook matapos aktong nakuhanan ang isang nakakaantig ng damdamin na eksena na ibinahagi ng isang netizen. 

Sa isang post ni Argel's Shopee RTW na ngayon ay mayroon ng 33K shares, ibinahagi niya ang isang nakakaantig na pangyayari sa mga netizen sa labas ng mall sa Butuan. 

Kuwento ng netizen, habang naghihintay daw siya ay napansin niya ang isang anak ng isang babae na "homeless"na iyak nang iyak sa kalye. 

Kitang kita raw na sinubukan nitong padedehin ng kanyang ina ang bata ngunit patuloy lamang sa pag-iyak ang bata dahil wala umanong laman na gatas na ipapainom sa bata. 

Hanggang sa nakita niya ang paglapit ng isang ina rin sa ina at batang umiiyak dahil gusto na umano itong makadede ng gatas sa kanyang ina. 

Laking gulat ng netizen na nakita na niya ang inang lumapit sa mag-ina at pinadede umano ang batang umiiyak nang dahil sa labis na gutom.


Source: trendypinoy