Punong puno ng mga negatibong komento ang aktres na si Kiray Celis matapos iginigiit ng mga netizen na sariling pera ng aktres umano ang ginagamit para pambili ng mga regalo sa kanya.

Ito ay matapos muling ibinida ni Kiray ang isang mamahaling sandals at cellphone na sinabi niyang bigay ng kanyang nobyo na si Stephan Estopia. 

Ibinahagi niya sa ang mga ito sa social media at ipinagmamalaki sa publiko kung gaano siya kamahal ng kanyang boyfriend.

Ayon pa ni Kiray sa kanyang post, halos umano katumbas lang ng isang buwang kita nito sa stream at endorsement ang kabuuang presyo ng mga natanggap niyang regalo.

Masyadong mahal tong LV na sandals at IPHONE 13 para iregalo ni @stephan.estopia. Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya. Pero hindi yun naging hadlang para hindi niya daw maibigay lahat ng gusto ko.

Kaya nagpapasalamat ako sa jowa ko kasi kahit hindi naman niya kailangan patunayan sainyo.. at dahil sa makikitid na utak niyo na kesyo ako lagi gumagastos, ako bumili, ako naglabas eh ginagawa niya parin," post ng aktres.

Tinawag niya ring makitid ang utak ng mga taong nagsasabing si Kiray lagi ang gumagastos at siya lang din ang bumili ng mga regalong iyon. 


Aniya, kaya lang may mga nasasabing ganoon ang mga bashers ay hindi sila nireregaluhan ng kanilang mga karelasyon. 

Ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. 

Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up". 


Kamakailan, nag viral ang nakaka-touch na post ni Kiray para sa kanyang kaibigan na si Mahal na namaalam na. Sa kanyang post, sinabi ni Kiray na kahit maikling panahon lang sila nagsama ng aktres, hindi pa rin niya maalis ang kanilang mga pinagsamahan ng pumanaw niyang kapwa aktres. 

"Sa liit na panahon na nakasama kita, ganun naman kalaki ang naibigay mong saya sa puso ko," mensahe ni Kiray sa namamaalam na aktres.


"Ayoko isipin... Ayokong tanggapin... Ayokong maniwala, Ate Noeme, mahal na mahal kita. Sana hindi totoo ito, please," dagdag pa ni Kiray na may nakalagay na broken heart emoji sa kanyang post.

Matatandaang nagkasama noon sa isang teleserye ang dalawa na sina Mahal at Kiray Celis na "Owe My Love," isang romantic comedy series ng GMA-7 na pinagbibidahan din nina Lovi Poe at Jelai Andres.

Sa teleseryeng "Owe My Love," ginampanan ni Mahal ang role bilang Mini Divi na kung saan maraming mga manonood ang napasaya niya at pati na rin ang mga staffs at mga co-actors at actresses sa teleseryeng ito.

Source: KAMI