Hindi napigilan ng isa sa mga kilalang singer na si Skusta Clee matapos kumalat ang isyu tungkol sa pandadawit sa kanya sa mga lumalabas na blind items.

Sa isang Facebook post ay diretsahang sinabi ni Skusta na tigilan na umano ang pang ta-tag sa kanya sa mga tao sa kanya dahil isang taon na siyang nagbago mula sa mga ginawa niyang hindi nagustuhan ng marami.

Hindi napigilan ni Skusta na mapamura na lang dahil sa mga pandadawit sa kanya. Maging ang karelasyon nitong si Zeinab Harake ay sinuportahan ang pahayag ng singer at binanggit pa niyang mabait na raw si Skusta.

Basahin ang buong post ni Skusta sa Facebook:

Di nila tanggap d'sauce na nag bago kana HAHSA wag mo sila pinag papapa pansin mga inggit lg yan sila. Tiwala kami sayo daddy sauce.. 

Love na Love mo c Mommy Sauce.. Zeinab Harake and Baby Bia ♥️♥️♥️ wag mo silang pansinan importante nagmamahalan kayung dlwa.♥️♥️♥️ More blogs pa po godbless ♥️with baby Bia. Tiwala kami sayo daddy sauce.. 

Love na Love mo c Mommy Sauce.. Zeinab Harake and Baby Bia ♥️♥️♥️ wag mo silang pansinan importante nagmamahalan kayung dlwa.♥️♥️♥️ More blog's pa po godbless ♥️with baby Bia.”

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.


Matatandaang, nitong Hulyo lang, nagkabalikan sina Skusta Clee at Zeinab Harake at ikinuwento ni Zeinab nitong Oktubre ngaying taon na nagdadalang tao na siya sa anak nila ni Skusta.

“October 6 ko nalaman na preggy ako. Nung nalaman ko ‘yun, actually nakapag-settle naman na kami ni Daryl sa isa't isa. Dito na siya sa akin nag-i-stay nun bago pa namin malaman na buntis ako nun,” aniya. 

Dagdag pa ni Zeinab, "After nun, inayos na muna namin lahat ng problema sa family ko. Kinausap niyan yung mama ko, yung mga kapatid ko, yung daddy ko, sa lahat ng friends namin, sa team ko, sa team niya, sa family niya.”

Sinabi rin ni Zeinab na hindi muna niya pinaalam sa publiko na buntis siya dahil sa dinaramdam niya na depression sa mga panahong iyon.

Nagkaroon ako ng doubts and thoughts na ‘anong mangyayari?’ That time kasi ayoko din mastress ng sobra-sobra. Nung nalaman kong preggy ako, sinabi ng doktor na iwasan ko yun stress kasi sobrang baba nun bata. Ayoko naman maapektuhan kasi ito yun dream ko eh,” lahad pa ng vlogger. 

“Happy ako ngayon na sinasabi ko to kasi, after lahat ng struggles na naranasan ko masasabi kong thank you Lord. Kasi may bunga na lahat ng paghihirap ko, pagtitiis ko, pagdadasal ko, na sana one day, ibigay sa akin yun para sa akin at naniniwala ako na ito yun oras na yun.”


Patuloy pa niya, “Hindi ito mistake, blessing ito. Hindi ito karma, galing kay God. At ito ang pinaka magandang regalo na natanggap ko ngayong birthday ko. Sa 22 years na nabubuhay ako, ngayon lang ako nakaramdam ng excitement. Nag-eenjoy ako, sobrang saya ng puso ko, parang tumatalon yun puso ko.

Yung imagination ko, naglu-look forward ako sa mga mangyayari, at least ngayon magkakaroon na ako, ng sarili kong family, na matatawag kong sariling akin. Gumuho man ang mundo, ano man ang mangyari meron na akong forever.”

Source: KAMI