Maraming mga "AlEianatics" ang kinilig matapos kumalat ang post na nagpadala umano si Eian Rances ng bulaklak at mensahe kay Alexa Ilacad. 

"Maglalakbay patungo sa kung saan. Kahit walang kasiguraduhan daladala, ang napagkasunduan na tayo lang ang may alam," mensahe ni Eian kay Alexa. 

Samantala ang post na ito ay dinagsa ng samu't saring komento mula sa mga netizen. Heto ang ilan sa kanilang mga komento:

"I love u both🥺🤎🤎

Eian and Alexa😘😘

My Aleian heart🥺🤎🤎🤎"

Kung may iba man na natuwa sa naging paandar ni Eian kay Alexa, marami rin ang hindi natuwa sa kanyang ginawa kaugnay ng mga nagdaang isyu. 

"Wooowww..ginamit mo na nga sa loob ng pbb..pati ba naman sa showbiz...Wag kami Eian...

Alam namin kung ano ang  mga galawan mo..Stop using our baby girl Alexa..

Kdlex lang kami.."

"Is it just me or grab the opportunity tong si eian? Sikat na si Alexa at maraming fans kaya sya kumakapit. Para sumikat. Just sayin."

"Alexa huwag na si eian. Di kayo   magkakatuluyan wala kayong hawig ni katiting. Para lang kayong si andre at lou. Walang forever. 😁"

Kung babalikan ang isang episode, punong puno ng galit ang mga netizen sa tila naging pambabastos ni Eian kay Alexa Ilacad. 

Sa pagsisimula ng kanilang pag-uusap ay sinabi ni Eian na ayaw niyang tinuturing siya ni Alexa na bata, samantalang nais lamang i comfort ni Alexa si Eian dahil sa pagiging down nito sa nagdaang linggo.


“Hindi ko alam kung kailan ka totoo, kailan hindi,” paratang ni Eian, “That is so offensive, tingin mo gumagawa ako ng love team?,” prangkang tanong naman ni Alexa.

“Siguro” pakling sagot ni Eian, “So do you think ginagamit lang kita?,” diretsang tanong ni Alexa saka umalis si Eian kung saan naiwang hindi nakakapagpaliwanag si ALexa, “Sandali, ang bastos kausap.”

Trending ngayon ang aktres na si Alexa Ilacad na kamakailan lang ay lumikha ng ingay tungkol sa kanyang pagiging "bossy" niya sa loob ng PBB house.

Nagkaroon din sila ng samaan ng loob ng isa pang celebrity housemate na si Albie Casiño. 

Ngayon, muling kumukuha ng atensyon ang former Goin’ Bulilit Star dahil sa isang video na kuha mismo sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa kumalat na video sa social media, makikitang magkasama sa living room ang mga housemates at nagkukwentuhan. 

Dito, nakaupo si Alexa sa sofa na napagitnaan nila ni Eian Rances at Albie Casiño. 


Habang masayang nadagdaldalan umano ang mga housemates, napansin ng mga netizens ang pwesto ng kamay ng dalagang aktres. 

Kung susuriin umano nang maigi, nasa ilalim ng unan ang isang kamay ni Alexa at mapapansin na gumagalaw ang kanyang braso. 

Sa komento ng mga netizens, para daw bang may inaabot o may “kinakamot” ang female housemate. 

Sa isang punto, bahagyang itinaas ni Eian ang unan at makikita ang kamay ni Alexa na nakalapag sa sofa. Komento naman ng netizens, sobrang lapit daw ng kamay niya sa binti ng Eian.

Source: facebook