Huli sa akto ang dating mayor ng Quezon City at senatorial aspirant na si Herbert Bautista kasama ang dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez ngayong pasko. 

Sa TikTok video na ibinahagi ng aktres sa social media, makikitang nagkaroon ng exchange gift ang pamilya Gutierrez at nagbubukasan ng mga regalo. 

Ngunit hindi naman nakatakas sa mata ng mga “Marites” ang presenya ni Herbert sa video kung saan kausap nito si Monching Gutierrez.

Sa huli ay kinalabit rin siya ni Ruffa para tumingin at mag-hi sa camera.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang espekulasyon ng mga netizen kung may namamagitan nga ba sa dalawa dahil kasama na umano si Herbert sa mga gatherings ng pamilya ni Ruffa. 

Matagal nang usap-usapan kung may relasyon nga ba ang dalawa na nagsimula noong sabihin ni Kris mayroong ng “beautiful” girlfriend ang senatorial aspirant kaya sana ay huwag na nitong balikan pa ang kanilang  nakaraan.

Wala namang naganap na pag-amin mula sa dalawa at maski ang ina na si Tita Annabelle ay tinanong na rin kung mag jowa nga ba ang dalawa. 

Wala ring nakuhang direktang kumpirmasyon mula kay Tita Annabelle at ang tanging sinabi lang nito ay magandang impluwensya si Herbert sa anak.

“Magandang influence si Herbert kay Ruffa. Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na,” sey ni Tita Annabelle.

“Saka ang sipag ni Ruffa sa pag-aaral. Pati sa paggawa ng mga homeworks. Tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review.


“Alam ko kapag nagpupunta si Herbert kay Ruffa, may dala pang mga libro. Tinutulungan talaga niyang mag-aral si Ruffa. Sino ba ang hindi matutuwa? Kaya nga kami, nagsu-support talaga sa kandidatura ni Herbert sa pagka-senador!” pagpapatuloy nito.

Samantala, nagkasama naman ang dalawa sa series na “The House Arrest of Us” nitong 2020 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan sila ang gumanap na magulang ng dalaga.


Matatandaang, agaw atensyon noon sa social media si Ruffa Gutierrez matapos emosyonal niyang ipinahayag sa publiko ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang ama ngayon na si Eddie Gutierrez. 

Sa isang episode sa 'Reina ng Tahanan' sa segment ng noontime show na It's Showtime, ikinuwento ni Ruffa sa publiko ang tungkol sa kalagayan ng kanyang ama. 

Isa sa mga hurado si Ruffa Gutierrez sa isang episode ng 'Reina ng Tahanan' na kung saan kasama niya dito ang dalawa pang mga batikang aktres na sina Janice de Belen at Amy Perez. 

Kapansin-pansin ang suot ng tatlong hurado na sila Janice de Belen, Amy Perez at Ruffa Gutierrez dahil pareho itong nakasuot ng kulay na itim. 


Tinanong ng host na si Vice Ganda kung ang kulay ba ng suot ni Ruffa ay binabase niya ba sa kanyang state of mind o kung ano lang ba talaga ang madadampot, iyon na ang isusuot.

"Not true, yesterday sad ako. Today, I'm so happy," sabi na Ruffa habang ramdam na ramdam ang tuwa nito.

Sinabi ni Ruffa na hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang ama [kahapon] at [ngayon] hindi na raw masama ang pakiramdam ng kanyang dad. 

Yesterday kasi, my dad wasn't feeling well. Today, he's feeling better. So, I'm happy," paliwanag ng aktres. 

Source: bandera