Nagpositibo ngayon sa COVID-19 ang isa sa mga sikat na volleyball player na si Alyssa Valdez na kinumpirma ng kanyang management, V management group.

Ayon sa statement na ini-release ng  V management tungkol sa kalagayan ni Alyssa, nakasulat dito na nakaranas umano ng mga mild symptoms si Valdez.

“After experiencing some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa tested positive for COVID-19. We’d like to thank those who have sent their well-wishes and prayers her way," nakasaad sa statement. 

Ito'y kinumpirma na nag positibo si Valdez matapos siyang isinailalim sa RT-PCR test. 

Kasalukuyang naka home quarantine ang volleyball star ayon sa management.

“Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home," nakasulat sa statement.

Samantala, marami namang mga fans ng volleyball star ang nagpahayag ng kanilang mga concerns matapos matanggap ang balita. 

Hiling ng marami na sana maging madali ang paggaling ng nasabing volleyball star.

Si Alyssa Calmo Valdez o mas kilala bilang si Alyssa Valdez ay isa sa mga hinahangaang volleyball player sa bansa. 

Maliban sa pagiging athlete, pinasok na rin ni Valdez ang mundo ng showbiz. Kasalukuyang parte Pinoy Big Brother Season 10 Celebrity Edition. 


Kaugnay ng kwentong ito, nag positibo na rin ang kapatid ng aktor na si Joross Gamboa, kasama sa mga nabiktima ni Gwyneth Chua o aka "Poblacion Girl."

Ang pangyayaring ito ay hindi ine-expect nilang mag-asawa na si Katz-Saga Gamboa ang naging pagsalubong nila ng New Year dahil hindi nila kasama ang kanilang dalawang anak.

Pero, ipinapakita naman umano nila ni Joross ang pagiging responsableng citizen at mabuting mga magulang sa kanilang mga anak. 

Dahil na-expose daw sila sa isang COVID-19 positive, mas pinili nilang mag-quarantine na lang sa bahay na silang dalawa at ang dalawang anak nila ay kasama muna ng mga Lolo at Lola sa Quezon.

Sabi ni Joross, “Happy New Year Everyone! Kung napansin ninyo ‘di namin kasama ang mga anak namin. First time namin silang ‘di nakasama salubong ng New Year pa! Actually na-expose kasi kami sa may covid kaya agad-agad kaming nag quarantine sa bahay for 5 days bago pa rt-pcr at ang mga anak namin sa lolo at lola na muna sa Quezon. Mas pinili kasi namin maging responsible at pinagpalit ang panandaliang kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Wala naman kami covid19 pero naninigurado kami.


“Wag natin kalimutan may covid19 pa rin! Kamag-anak namin sa US, Italy pati dito sa Pinas may mga COVID19 na ultimo kapatid o at friends niya na nakuha nila sa Poblacion.

“Anyways bukod sa pag-iingat at pagmamalasakit sa ibang tao,wala na tayong ibang magagawa kung di kumapit kay Lord. Let’s all focus on Jesus Christ so we can have peace! God bless everyone.”

Source: KAMI