Viral ngayon ang aktres na si Kim Chiu matapos nagbalik-tanaw siya sa mga photos nila ng kayang mga kapatid kasama ang kanyang ama na pinost niya sa social media. 

Maging ang video kung saan niregaluhan siya ng papa niya ng cellphone sa isang TV guesting ay pinost niya rin.

Ang caption ni Kim, “Happy happy birthday papa William (heart emoji) thank you for being our rock and for making me who I am today, for helping me achieve my goal, and for supporting me to do what I want. Thank you kaayo pa! Wishing you good health ug mas daghan pa na birthdays na e celebrate puhon karon puyo sa ta sa balay, paayo lang ta sa atong lawas sa. Love you pa (cake emoji).

“Special thank you sa @ladyschoiceph na-guest ‘yung papa ko and akala ko nakalimutan niya na ‘yung tungkol sa pangungulit ko sa kanya na bilhan ako ng cellphone noon kahit alam ko di pasok sa budget niya. Pero nilaban niya pa rin para magkaroon ako ng phone,” dagdag pa ng aktres

Sa ngayon, kasama na ni Kim sa bahay nila ang papa William niya base sa naging kwento niya noon sa face to face mediacon ng MMFF entry na, "Huwag kang Lalabas."

At kahapon, ay may post rin siya na kuha sa ABS-CBN ELJ Building kung saan naroon ang studio ng “It’s Showtime”.

Ani Kim, “How’s your first week of 2022? For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron I hope and pray that this will be the beginning of the end. Keep safe everyone #BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had.

“Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022. If you have any of the symptoms, please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama n’yo sa bahay. More than anything we really have to be responsible. Kaya natin to. Take care everyone!”

#ootdksyc alam ko walang connect yung sinabi ko sa pic, wala lang gusto ko lang ipost yung #ootd ko. SORNA!!!!!!

At nitong mga nakaraang araw lang, magkasama sina Kim at Xian Lim sa isang beach resort upang mag unwind.



At pinost niya ang quote, “𝖨𝖿 π—’π—ˆπ—Ž π—…π—ˆπ—π–Ύ π—Œπ—ˆπ—†π–Ύπ—π—π—‚π—‡π—€, π—…π—ˆπ—π–Ύ 𝗂𝗍 π–Όπ—ˆπ—†π—‰π—…π–Ύπ—π–Ύπ—…π—’, π–Όπ—π–Ύπ—‹π—‚π—Œπ— 𝗂𝗍, π—Œπ–Ίπ—’ 𝗂𝗍, π–»π—Žπ— π—†π—ˆπ—Œπ— π—‚π—†π—‰π—ˆπ—‹π—π–Ίπ—‡π—π—…π—’ π—Œπ—π—ˆπ— 𝗂𝗍. 𝖫𝗂𝖿𝖾 π—‚π—Œ 𝖿𝗂𝗇𝗂𝗍𝖾 𝖺𝗇𝖽 𝖿𝗋𝖺𝗀𝗂𝗅𝖾, 𝖺𝗇𝖽 π—ƒπ—Žπ—Œπ— π–»π–Ύπ–Όπ–Ίπ—Žπ—Œπ–Ύ π—Œπ—ˆπ—†π–Ύπ—π—π—‚π—‡π—€ π—‚π—Œ 𝗍𝗁𝖾𝗋𝖾 π—ˆπ—‡π–Ύ 𝖽𝖺𝗒, 𝗂𝗍 𝗆𝗂𝗀𝗁𝗍 π—‡π—ˆπ— 𝖻𝖾 𝗍𝗁𝖾 𝗇𝖾𝗑𝗍. 𝖭𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗍𝖺𝗄𝖾 𝗍𝗁𝖺𝗍 π–Ώπ—ˆπ—‹ 𝗀𝗋𝖺𝗇𝗍𝖾𝖽. 𝖲𝖺𝗒 𝗐𝗁𝖺𝗍 π—’π—ˆπ—Ž 𝗇𝖾𝖾𝖽 π—π—ˆ π—Œπ–Ίπ—’, 𝗍𝗁𝖾𝗇 π—Œπ–Ίπ—’ 𝖺 𝗅𝗂𝗍𝗍𝗅𝖾 π—†π—ˆπ—‹π–Ύ. 𝖲𝖺𝗒 π—π—ˆπ—ˆ π—†π—Žπ–Όπ—, π–²π—π—ˆπ— π—π—ˆπ—ˆ π—†π—Žπ–Όπ—, π–«π—ˆπ—π–Ύ π—π—ˆπ—ˆ π—†π—Žπ–Όπ—.

𝖀𝗏𝖾𝗋𝗒𝗍𝗁𝗂𝗇𝗀 π—‚π—Œ π—π–Ύπ—†π—‰π—ˆπ—‹π–Ίπ—‹π—’ π–»π—Žπ— π—…π—ˆπ—π–Ύ. π–«π—ˆπ—π–Ύ π—ˆπ—Žπ—π—…π—‚π—π–Ύπ—Œ π—Žπ—Œ 𝖺𝗅𝗅.”-𝖱.π–°π—Žπ˜¦π˜¦π˜―

Have a great weekend everyone!," aniya. 

Hindi inakala ng marami na may matindi palang nangyari sa isang aktres na si Kim Chiu matapos ang naging scene niya sa isa ring batikan na aktres sa kauna-unahan niyang ginawang teleserye sa ABS-CBN.

Matapat namang sinabi ng Showtime host na si Kim Chiu na talagang labis ang kanyang pagka apekto sa makatotohanang sampal na ginawa ng isang beteranang aktres na si Glydel Mercado.

Ang pangyayaring ito ay naganap noong nag shooting sila para sa teleseryeng “Sana Maulit Muli” na ipinalabas sa ABS-CBN Network noong 2007. Sinabi ng aktres na ramdam na ramdam daw niya ang sakit ng pagsampal sa kanya ni Glydel.

Sa kanyang “Truth or Drink” dito napag-alaman ng lahat ang nangyari sa kanya matapos may nagtanong sa kanya na nasampal na ba siya ng totohanan sa isang kilalang aktres o isa sa mga naging madramang eksena niya.

Hindi naman nagpatumpik tumpik pa ang aktres at sinagot niya ng “Yes” at diot na niya inamin na muntik na raw siyang umuwi ng Cebu pagkatapos ng makatotohanang sampal na iyon sa kanya sa isang eksena.

“Ay, OK lang. Truth. Glydel Mercado. ‘Sana Maulit Muli’, yung first teleserye ko. Ang sakit talaga (ng sampal) pero du’n ko naman hinugot yung acting ko sa eksenang yun. Kaya okay lang naman,” pahayag ng dalaga.

Pagkatapos na kanilang naging sampalan ay nagpunta agad si Kim sa kanyang sasakyan at nagkulong. Doon na niya naisip na lisanin na lamang ang mundo ng showbiz.

“Tumakbo talaga ako sa kotse ko, nagkulong ako du’n dahil ang sakit talaga. Crayola (umiyak) talaga ako nu’n, gusto ko nang umuwi that time sa Cebu. Buti na lang napigilan ko ang self ko, nagbalik pa ako sa work,” ang chika pa ni Kim.

Aminado naman si Kim na hindi pa nila kabisado ang mga palakad sa industriya dahil nagsimula siyang mag artista matapos siyang tanghalin Big Winner sa “PBB Teen Edition” noong 2006 kaya ganun na lamang ang kanyang pagkagulat sa naranasan niyang totohanang sampal.

Kaugnay ng mga naging tanong sa vlog ni Kim, hindi naman niya sinagot kung sinu-sino ang mga celebrities ang ayaw niyang makatrabaho o para sa kanya ay pasaway lamang sa mundo ng Showbiz.


Mas pinili na lamang ng aktres ang “drink” sa challenge kesa sagutin pa niya ang mga nakaka intrigang tanong kaya sa kanyang vlog, inimo n lamang niya ang brandy wine bilang consequence sa nasabing challenge.

“Kaunti lang sila. Drink na lang kasi konti lang naman yun,” sabi ni Kim.

Si Kimberly Sue Yap Chiu ay isang sikat na aktres na kilala na rin sa marami nitong mga pelikula at teleserye. Lalong sumikat sa tambalan nila  ni Gerald Anderson na dati nitong naging boyfriend.

Kilala sa kanilang bansag na “Chinita Princess” at minsan na ring itinanghal na “Princess of Philippine Movies and TV” sa tatlong magkasunod na taon sa Pilipinas. Siya ay kasalukuyang under sa contract ng Star Magic , ABS-CBN home based talent agency at binansagan rin siyang “Queen of the Dance Floor.”

Source: bandera